Juancho Triviño sweet na boyfriend, laging may pa-surprise kay Joyce Pring | Bandera

Juancho Triviño sweet na boyfriend, laging may pa-surprise kay Joyce Pring

Bandera |October 01,2019
facebook
share this

Juancho Triviño sweet na boyfriend, laging may pa-surprise kay Joyce Pring

Bandera - October 01, 2019 - 01:00 AM

JUANCHO TRIVIÑO AT JOYCE PRING

HINDI pa naipalalabas pero may ilang eksena palang nag-leak sa social media mula sa upcoming Kapuso drama series nina Juancho Triviño, Arra San Agustin at Thea Tolentino na Madrasta.

Naikuwento ito ni Thea sa interview nina Ervin Santiago at Izel Abanilla sa nakaraang special episode ng “#ShowbizLive” sa Inquirer TV/Radio 990 at Bandera Facebook (na napapanood din sa TV Plus).

Sa Madrasta, Juancho plays Sean, ang pag-aagawan ng first wife na si Thea playing Katherine at ang madrasta na si Audrey na gagampanan naman ni Arra.

Nag-joke kasi si Juancho tungkol sa mga nagpe-preempt ng mga eksena nila sa serye at dito nga naikuwento ni Thea ang isang experience niya sa taping ng Madrasta.

“Hindi kasi di ba, kami napapagod kami, pinagpapaguran namin bawat eksena na ginagawa namin. Hindi lang kaming mga artista kundi pati na rin mga direktor tapos biglang may magpo-post sa social media ng video ng hindi pa lumalabas na eksena. Sana respeto lang, huwag i-preempt,” sey ng Kapuso contravida.

Bad trip daw siya sa mga ganito kaya kung minsan ay gusto niyang hawiin ang mga nagbi-video sa mga shoot o taping.

“Kapag nakakakita talaga ako na kunyari eksena na nagbi-video o kaya pinipiktyuran ka nang walang pahintulot or whatever as in gumaganu’n ako (nagwe-wave). Pero akala nila kinakawayan ko sila. Tapos sasabihin ko, ‘hindi, please huwag n’yong i-record,” sabi pa ng aktres.

On a lighter note, nagkuwento rin ang tatlong Kapuso stars tungkol sa kanilang lovelife, at lahat nga sila ay “in a relationship” na.

Super sweet palang boyfriend itong si Juancho dahil mahilig siyang magbigay na pa-surprise. Inamin niyang apat na buwan niyang niligawan si Joyce Pring at old school daw siya pagdating sa panliligaw.

Hatid-sundo niya si Joyce at mahilig magbigay ng sweet random notes. Nagharana at nagsibak na rin siya ng kahoy sa morning show na Unang Hirit.

Ano ang pinaka-sweet na nagawa niya para kay Joyce? “Siguro Valentines last year, I rented out a place. Yung suot niya nakahanda na for her, tapos pagdating naka-blindfold siya tapos pagtanggal niya ng piring may naghaharana sa amin at may fine dining, may set-up by the river.”

Hindi naman nagpahuli ang dalawang co-stars niyang sina Arra at Thea na nag-share rin ng sweetest moments with their loves.

Kuwento ni Thea binadtrip muna siya ng kanyang boyfriend na si Mikoy Morales before ibigay ang surprise, “Parang fourth anniversary namin, sabi niya, may kaibigan siyang chef sa Makati, pupuntahan daw namin tapos doon kami magse-celebrate, doon kami kakain.”

Naka-OOTD nang todo si Thea dahil expected nga niyang fine dining ang kanilang pupuntahan pero nagkaroon ng problema, “Sabi niya, ‘wait lang, naiwan ko yung pera ko sa bahay!’ Tapos ako naman ayoko siyempreng makipag-argue, so sabi ko sige.”

Bumalik daw sila sa bahay ni Thea para kumuha ng pera at habang nasa sala siya ay tinawag uli siya ni Mikoy sa kuwarto, “Pagpasok ko may set-up na. Siya pala ang nagluto. Sweet, di ba?”

For Arra, isang box full of things na espesyal o may significant sa kanila ng kanyang boyfriend ang sweetest gift na ibinigay sa kanya ng guy. At ginawan pa siya ng isang book filled with poems dahil mahilig si Arra sa mga tula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malapit nang mapanood ang Madrasta sa GMA, at makakasama rin dito sina Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Phytos Ramirez, Isabelle de Leon at Ahron Villena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending