Mag negosyo ka (2) | Bandera

Mag negosyo ka (2)

Joseph Greenfield - July 27, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Senyor, ng Barangay Tumanan, Bislig City
Problema:
1.      Dati akong empleyado sa pribadong kompanya, pero ibinenta ito.  Dahil iba na ang may-ari, ang mga regular na empleyado ay pinag-resign, at isa ako sa mga nawalan ng trabaho.  Medyo malaki rin ang nakuha kong pera at natatakot akong maubos na lang ito nang walang nangyayari.
2. Sinabi ng misis ko na kapag natapos na kami sa bi-nabayarang mga utang ay magnegosyo na raw kami.  Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang alamin kung ano po ba ang the best na negosyo para sa aming mag-asawa. October 26, 1970 ang birthday ng misis ko at February 10, 1970 naman ako. Sana mabigyan ninyo kami ng magandang ideya kung ano ang angkop na negosyo sa aming mag-asawa na magpapayaman sa amin.
Umaasa,
Senyor, ng Barangay Tumanan, Bislig City
Astrology:
  Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) at nasa pagitan naman ng Libra at Scorpio ang misis mo ay nagsasabing swak na swak o tugma nga kayong mag-asawa sa negosyong may kaugnayan sa pagkain. Maaaring sangkap sa pagkain, o maaaring mga butil na may kaugnayan sa pagkain. Kaya nga ang grocery na halos araw-araw na nasa hapag kainan ng isang pamilya, tulad ng asukal, noodles, kape, itlog, bigas, mga delata,  mantika, mga panahog, bigas, at kung ano-ano pa ay maaari nyong isa alang-alang.
Numerology:
Ang birth dates ninyo ay suwetong-suweto rin sa isa’t isa, na nangangahulugang lagi lang kayong magsama, magtuwang, magsosyo o magtulungan sa itatayo nyong negosyo, tulad ng naipaliwanag na sa Cartomancy, wala pang limang taon singkad na pagnenegosyo, mararamdaman nyo na ang pag-unlad hanggang sa tuloy-tuloy na yumaman.
Graphology:
Ang inyong lagda na parehong initial lang tapos ay aplido na agad, na hindi nababoy at naburara ang gumarantiya na simple-simple nyo lang makakamit at pagunlad at pagyaman, kung ngayong taon sisimulan ninyo na ang negosyong nabanggit na sa itaas.
Huling payo at paalala:
Senyor, matutupad sa kapalaran mo ang kasabihang “blessing in disguise”. Dahil sa pagkawala ng trabaho, ito na nga rin ang magiging daan ng pag-yaman. Simulan nyo na ni misis ang negosyong binaggit sa itaas, sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre, habang pula ang gamitin ninyong opisyal na kulay ng inyong negosyo, at makikita mo, sa nasabing panahon, sa 2017, sa edad mong 48 pataas at ganon din ang edad ng misis mo, sa pamamagitan ng negosyong grocery o kaya’y bigasan, magsisimula na kayong umunlad, hanggang sa tuluyang yumaman nang yumaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending