Jasmine: Mahilig makipagkulitan si Ruru, lagi ring nagpapabango | Bandera

Jasmine: Mahilig makipagkulitan si Ruru, lagi ring nagpapabango

Ervin Santiago - September 29, 2019 - 12:25 AM

JASMINE CURTIS AT RURU MADRID

INAMIN ni Ruru Madrid sa harap ni Jasmine Curtis na super crush niya ang dalaga kahit noong nagsisimula pa lang sa showbiz ang kapatid ni Anne Curtis.

Magkasama ngayon ang dalawang Kapuso stars sa pelikulang “Cara X Jagger” ng APT Entertainment.

Nakachikahan namin si Jasmine kamakailan at dito nga niya naikuwento ang mga na-discover niya tungkol sa kanyang leading man.

Chika ng awad-winning actress, alam niyang matagal nang may crush sa kanya si Ruru dahil umamin nga ito sa kanya, “Thank you for the admiration, but more than that, natutuwa ako naka-work si Ruru kasi kung gaano ako ka-invested sa pagganap bilang Cara, siya rin bilang Jagger, gusto niyang mapantayan ‘yun.

“And nakikita ko kung paano siya makipag-usap kay Direk Ice Idanan, kung paano bawat take ng eksena namin, gusto niya ma-perfect. May mga ibang eksena na hanggang ngayon, gusto pa rin niya ulitin, kasi hindi pa rin siya happy.

“Sa mga ganoong bagay, nakikita ko yung dedication niya and it makes me feel happy na ganoon yung nakakatrabaho ko na artista.

“Pare-pareho kaming may one hundred percent investment dito, so it’s nice at hindi siya parang dagdag lang sa mga nagawa kong trabaho,” tuluy-tuloy na pahayag ni Jasmine.

Pagpapatuloy pa niya, “It’s one of those things na pinaniniwalaan namin na pareho na, sana, magustuhan din ng lahat ng tao. Okey siya, dedicated siya at saka may good vibes siyang presence lagi sa set.

“Mahilig siyang makipagkulitan and mahilig siyang magpabango. Bago siya lumabas ng tent, laging nagpapabango,” natatawang chika pa ng dalaga pa tungkol sa leading man niya sa “Cara X Jagger.”

Ano naman ang naging reaksyon niya nang malamang crush siya ng Kapuso hunk? “Wala! E, di okey, thank you. Parang ganoon lang. Siyempre, I’m very much happy with where I am in my life and my relationship, and so when it comes to him, it’s really just the friendship and masaya siyang friendship kasi nababara ko siya.

“He’s younger than me, he’s 21, I’m 25. Four years lang naman ang agwat namin. Pero with that, at least, yung fundamental ng friendship namin, maayos saka masaya. Good vibes lang palagi,” dagdag pa ng sisteraka ni Anne.

Inamin naman ng aktres na kinikilig siya kay Ruru, “Sa characters namin, oo. Siyempre, kailangan, in character ka kapag nasa set ka.”

May na-feel ba siyang something nang maghubad sa harap niya si Ruru para sa ilang kesena nila sa “Cara X jagger”? “My God, ‘no, ang dami ko nang nakita na mga abs! Hindi na ako ginaganahan sa mga abs, wala na sa akin ‘yan.”

Gagampanan ni Ruru sa movie ang karakter ng isang lalaking wala nang maalala sa kanyang past. Ang tanging sumasagi sa kanyang isipan ay ang pangalan ni Cara kaya ipahahanap siya ng pamilya ng binata para makatulong sa pagbalik ng alaala nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na sa mga sinehan nationwide ang “Cara X Jagger” sa Nov. 6 sa direksyon ni Ice Idanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending