RitKen kumasa sa hamon ng TBATS; Driver nabiktima ni Gladys | Bandera

RitKen kumasa sa hamon ng TBATS; Driver nabiktima ni Gladys

Bandera - September 29, 2019 - 12:20 AM

KEN CHAN AT RITA DANIELA

SIGURADONG mag-eenjoy na naman ang Kapuso viewers sa star-studded episode ng The Boobay And Tekla Show ngayong Sunday night.

Makakasama nina Boobay at Super Tekla tonight ang lead stars ng bagong primetime series ng GMA na One Of The Baes, sina Rita Daniela at Ken Chan.

Ang RitKen ang makikipagkulitan sa segment na “Humanap ka ng Puppet.” Sila ang magsisilbing puppet na kontrolado ng ventriloquists.

Makiki-TBATS din ang “Black Lipstick stars. Maglalaro sa “The Whisper Challenge” ang Team Boobay na binubuo nina Migo Adecer at Manolo Pedrosa laban sa Team Tekla kasama naman sina Kyline Alcantara at Kate Valdez.

Samantala, eeksena rin si Gladys Guevarra sa shocking “Pranking in Tandem” segment. Isang driver kasi ang mapapaniwala sa isang krimeng nagawa ng aktres kaugnay ng kanyang asawa. Ano kaya ang gagawin ng driver – mananahimik na lang ba siya isusubong si Gladys sa mga pulis?

Mapapanood din muli ngayong Linggo ang parody ng KMJS na may pamagat ng “Itigil ang Kasal.”

Makikisaya rin sa mga Kapuso sa kalsada ang funtastic duo sa pagtanong ng “jojowain o totropahin?”

Tuloy-tuloy pa rin ang laugh trip ngayong Linggo ng gabi sa The Boobay And Tekla Show pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending