Atom makikipag-bonding sa mga buwaya
Ngayong Linggo sa The Atom Araullo Specials, susuriin ni Atom Araullo kung kaya bang magsalo ng buwaya at tao sa iisang teritoryo. Epektibo rin bang pinatutupad ang batas para protektahan hindi lang ang buhay ng mga tao pero pati na rin ng mga buwaya?
Hindi ngayon matahimik ang mga taga-Balabac dahil sa sunod-sunod na mga kaso ng pag-atake ng buwaya sa kanilang lugar pati na rin ang mga taga-Lanao del Sur kung saan nabalitang may mga buwaya na ginagawang alaga na kinukulong.
Pero hindi lahat ay takot sa buwaya, ha. May ilang biyaya ang tingin dito. Ang kanilang balat, karne, at taba ay pwedeng inegosyo.
Tunghayan ang engkuwentro ni Atom sa mga buwaya ngayong Linggo sa The Atom Araullo Specials presents Pangil, 3:30 p.m., sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.