Ruru Madrid nagpa-yummy para sa lahat ng babaeng nambasted sa kanya
Nagsilbing inspirasyon kay Ruru Madrid ang pambabasted ng bawat babaeng pinormahan niya noong panahong patpatin pa siya.
That time, kasasali pa lang niya sa isang talent search pero hindi siya pinalad manalo.
Inayos niya ang pananamit at pinalaki ang kanyang katawan kaya naman ngayon, ‘yung mga babaeng bumasted sa kanya eh, parang nagsisisi dahil hindi nila pinatulan ang Kapuso hottie.
Nali-link ngayon si Ruru kay Bianca Umali pero friends lang daw sila, ang kanyang naging sagot sa tanong ng press na nakaharap niya sa pocket presscon ng unang movie niya sa mainstream na “Cara X Jagger” mula sa APT Entertainment at Cignal Entertainment. Kapareha niya rito ang crush niyang si Jasmine Curtis Smith.
Jackpot ang Kapuso actor dahil may kissing scenes sila ng award-winning actress sa movie.
“Kung ang mata ay nangungusap, ang labi naman ni Jasmine ay nangungusap!” pahayag ni Ruru.
Off limits nga lang ang Kapuso hunk kay Jasmine dahil in a relationship na ang aktress kay Jeff Ortega ng sikat na Ortega clan ng La Union. Si Jeff ay Undersecretary ngayon ng Department of Tourism.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.