Sigaw ng bashers kay Ion Perez: ‘Ang lalaking gipit sa bakla kumakapit!’
Hindi makalabas-labas si Ion Perez sa kasabihang ang lalaking gipit, sa bakla kumakapit. Palaging ganu’n ang ibinabatong paghusga sa pakikipagrelasyon niya kay Vice Ganda.
Palibhasa’y milyonaryo (bilyonaryo na nga raw, sabi ng aming mapagkakatiwalaang source) si Vice, madatung, kaya kung husgahan ng mga bashers si Kuya Escort ay napakatindi.
Sigurado raw na ang makukuha lang niya sa sikat na komedyante ang dahilan kung bakit siya kumapit sa patalim. Bukod du’n ay wala na.
Mabuti na lang at malawak ang pang-unawa ng binata, natural siyang mabait, hindi siya pumapatol sa mga bashers na kung humusga sa kanya ay parang wala nang bukas. Kilala ni Ion ang kanyang sarili at kilalang-kilala na siya ni Vice kaya mapapagod ang mga bumibira sa kanya.
May mga kakilala kaming magkarelasyong lalaki at becki na dekada nang magkasama at hanggang ngayon ay magkasabay pa rin silang nangangarap. Hindi naman lahat ng lalaking nagmamahal ng becki ay pangsariling kapakanan lang ang hanap.
Mukhang sinsero naman si Ion sa pagmamahal na ibinibigay niya kay Vice. Siya mismo ang maysabi na makita lang niyang masaya si Vice ay masayang-masaya na rin siya.
May karapatan namang magmahal at mahalin si Ion Perez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.