Duterte umamin: Mas magaling sa akin si Isko | Bandera

Duterte umamin: Mas magaling sa akin si Isko

Ronnie Carrasco III - September 26, 2019 - 12:01 AM


GASGAS na ang (mga) salitang “para sa mahirap,” thus was the line na paulit-ulit idinidiin ni Manila City Mayor Isko Moreno in his speech at a recent event which we caught in social media.

Ang nasabing phrase ay pwede naring ikonek sa slogan na may rhyme ng kanyang predecessor: Erap (Joseph Estrada) para sa mahirap.

Hindi nahagip ng camera ang mga nakikinig kay Isko, pero sa tuwing puma-punchline ito’y nagpapalakpakan sila most especially when he sounded like Erap. Naisip tuloy namin na baka to this day since Isko took over ay hindi pa itine-turn over ni Erap ang ilang mahahalagang dokumento during the transition period.

Pero sa kabuuan, kung aanalisahin ang talumpati ni Yorme it wasn’t a slur against Erap bagkus ay gusto niyang mabago ang mindset—hindi lang ng mga Manilenyo kundi lahat—na maaaring makapamuhay nang masagana, nang walang naghihirap, basta mamuhunan lang ng sikap at tiyaga.

One’s poverty may be explained by the fact na “batugan lang kayo.” And we cannot agree more. Masakit mang tanggapin pero totoo lang ang sinabi ng batang lider.

A living example of a poor boy born to this world, nagsikap si Isko dahil meron siyang pangarap. He found himself doing menial jobs. Nagpursigeng mag-aral. He made his dreams come true kung paanong all of us can also do just that.

Kamakailan ay pinapurihan ni Pangulong Digong si Yorme. In fact, mas mahusay pa nga raw ito kesa sa kanya. PRD sees a potential president in Isko.

Kaya naman may kumakalat na survey sa Facebook as to the list of presidential choices at kabilang dito’y si Mayor Isko.

From mayor to president? A quantum leap as it obviously is, why not? Bakit ba si Digong mismo, or si Jejomar Binay na natalo nga lang in his presidential bid? This cannot be aid of Erap na “namaitang” before he became president only to be put to jail for his plunder case.

Back to the “for the poor” phrase, tiyak na ipinagpuputok ito ng butse ni Erap sampu ng kanyang pamilya’t mga taong nakinabang sa kanyang administrasyon.

Figure of speech lang naman kasi ang pariralang ‘yon na maituturing na kathang-isip lang. Isang uri ‘yon ng pananamantala sa kahinaan ng mahihirap para paniwalain sila sa isang pamumunong may malasakit kuno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending