Salamat sa lahat ng magmamahal sa 2 anak namin ni Dong!- Marian
Mas cool at mas madaling nakapag-adjust si Marian Rivera sa pag-aalaga sa second baby nila ni Dingdong Dantes na si Baby Ziggy kung ikukumpara sa first born nilang si Zia. Sey ni Marian sa nakaraang opening ng BeautéDerm flagship store sa Marquee Mall sa Angeles City, napakarami niyang discoveries kina Zia at Baby Ziggy.
“Kung dati na first time mom ka e, marami kapang kinakapa na mga bagay-bagay, pero this time around kahit paano e kalmado na kumbaga, alam mo na ‘yung routine na gagawin,” ani Yanyan.
Of course, proud na proud ang Kapuso Primetime Queen sa dalawang anak at masayang-masaya rin siya dahil maraming natutuwa at nanggigigil sa kanyang mga anak. Sa katunayan, isa ngayon sa most liked child personality sa social media si Zia.
“Nakakatuwa, sabi ko nga maraming salamat sa lahat ng nagmamahal sa anak ko, ‘di ba? Nakakatuwa kasi kahit ako din aliw na aliw ako sa mga anak ko,” pahayag ni Marian.
Pero inamin ng misis ni Dingdong na challenging ang journey niya bilang ina lalo na ang balanseng attention para kina Zia at Ziggy.
“Mahirap siyempre kasi sanay si Zia na mag-isa lang siya e. Ngayon dalawa na sila. Unti-unti and gradual dapat ipa-realize mo sa kanya na magkapatid kayo dapat best friends kayo, noong baby ka, ganito din ang ginawa ko sa ‘yo, kaya mabuti rin na may mga pictures ako sa phone na pinapadede ko siya, inaalagaan ko siya, tapos sinasabi ko na ganu’n din ang ginawa ko sa kanya noong baby siya.
“Pero ngayon, sobrang close sila, sobrang mahal na mahal ni Zia si Ziggy kaya nakakatuwa sabi ko nga pricesless ‘yun na magkasundo silang dalawa,’” chika pa ni Marian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.