Radio anchor-doctor ibinandera ang unang transgender stewardess | Bandera

Radio anchor-doctor ibinandera ang unang transgender stewardess

Reggee Bonoan - September 23, 2019 - 12:10 AM

HUMARAP si Dra. Bles Salvador, anchor ng programang “Dra. Bles At Ur Serbis” sa DZMM sa ilang members ng entertainment media nitong nagdaang weekend.

Dito inamin niya na marami siyang pasyente na kilala sa lipunan, pero dahil sa confidentiality agreement bilang doktor ay hindi niya binanggit ang pangalan ng mga ito kahit anong pilit ng press sa kanya.

Isang OB-Gyne si Dra. Bles at may sideline siyang marital counselling, kabilang na riyan ang problema ng mga mag-asawa sa sex. Sa katunayan, ang unang titulo ng programa niya sa radyo ay “Midnight Confessions.”

“More on sex problems ang pinag-uusapan namin sa radyo until sabi nila, hindi lang naman sex ang puwedeng i-discuss, puwede ring general practice and I have background also on being a general practitioner bago po ako naging OB.

“Kaya ang programang ibinigay sa akin, 2002 was ‘Dra. Bles at Ur Serbis,’ naging GP na, general practice so I have to answer questions in all aspects of medicine, pedia, surgery, etcetera, and na-retain pa rin ang questions by phone and then nauso ang text, so through texting na, mayroon ding letters.

“And now on my 17th year, may bagong segment now na video and answer. Magbibidyo po ng 30 seconds ang isang pasyente or someone who would like to ask a question. Natutuwa sila kasi nakikita ‘yung face nila sa Teleradyo, so I answer immediately. I think the selling point of the program is when I give my medical word for the day.

“Kasi these things hindi naman maintindihan normally ng isang taong hindi naman doktor, so I just explained it in Tagalog in manner that it could be understood maski na elementary lang inabot sa pag-aaral ay madaling maintindihan kasi ang ginagamit kong terms ay everyday terms,” pahayag pa ng doktor.

Samantala, tungkol naman sa SOGIE Bill (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality), hindi against dito ang doktora dahil may mga kaanak siya na kabilang sa LGBT community. Naniniwala siya na hindi nababago ang pagkatao ng mga ito kahit pa nagbago na sila ng itsura.

Aniya, “From a biological point of view, ang babae may matris, uterus, fallopian tube, ovary at may ability na manganak. Ang lalaki wala kahit ano pa siya. So, I just want to mention sa aking background, hindi ako against sa mga bakla, tomboy etcetera, dahil mayroon akong uncle na gay, pero may anak siyang tatlo, may asawa siyang babae. He dressed accordingly pero alam namin, gay siya.

“Meron din akong pinsan, dalawa silang babae, ‘yung isa, nagsusuot tomboy, ‘yung isa girl na girl pero pareho silang may asawang kapwa babae and we respect them for that kasi ‘yun ang choice nila.
“And I have niece sa cousin na nagpaopera na talaga, babae na, may boobs, may hips at saka down there nagpa-opera na rin at nagpapalit na rin siya ng mga papeles. She’s now the first transgender stewardess. Hindi steward kundi stewardess.

“In other words, I came from a background na very open sa mga ganyang bagay, kaya lang kung ako ang tatanungin ninyo sa SOGIE bill, hindi ko pa nababasa nang buo kaya hindi ko pa maibigay ang complete idea tungkol sa bill na ‘yan except that being a doctor, kapag may penis ka, doon ka sa male (restroom), kapag may vagina ka, doon ka sa female.

“Pero kung itong bill ay mara-ratify, masunurin po ako. Kung ano po ‘yung nasa bill go, kasi sa akin pantay-pantay po tayong lahat, babae o lalaki, straight o psychological gender,” mahabang paliwanag ni Dra. Bles.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mas marami pang makabuluhan at exciting na talakayan sundan ang @DZMMTeleradyo sa Facebook at Twitter o pumunta sa dzmm.com.ph.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending