Tekla: Nag-50-50 ang buhay ko...akala ko ipapahamak ako ng mukhang ‘to | Bandera

Tekla: Nag-50-50 ang buhay ko…akala ko ipapahamak ako ng mukhang ‘to

Bandera - September 22, 2019 - 01:30 AM

SUPER TEKLA AT BOOBAY

Speaking of Super Tekla, inamin ng Kapuso comedian na “nag-50-50” na rin ang buhay niya noon nang dahil sa kapabayaan at kawalan ng disiplina.

Pero napatunayan niya na mahal din siya ng Diyos dahil sa kabila ng mga nagawa niyang pagkakamali ay nakabangon pa rin siya at patuloy pa ring inuulan ng blessings hanggang ngayon.

Itinuturing niyang biggest blessing sa kanya ang launching movie niyang “Kiko En Lala” kung saan gumaganap siyang kambal-tuko at makakatambal pa sina Kim Domingo at Derrick Monasterio.

“Noong time na nandoon ako sa kawalan, hopeless case na, matutuloy pa ba itong dream ko? Kumbaga sa pasyente, 50-50 na, life support na lang, pero biglang na-revive.

“Kaya kung kaharap ko si Lord, sasabihin ko, ‘Hay naku, Lord, thank you kasi binigyan Mo ako ng ganito.’ Nakakakilabot, ang daming magagaling, ang daming deserving na puwedeng ilagay sa katayuan ko,” pahayag ni Super Tekla sa panayam ng entertainment media sa nakaraang mediacon ng “Kiko en Lala”.

Kasabay nito, inamin din ni Tekla na utang niya sa kanyang itsura ang magandang showbiz career niya ngayon, “Akala ko kasi itong mukhang ito, pahamak, binu-bully. Nognog ako noong bata, pero napaka-strong ng personality ko.

“Nire-reverse ko, kasi dati ayoko ng nilalait ako, kaya dumating ako sa point na ako yung nambu-bully,” pahayag pa ni Tekla.

Showing na sa darating na Sept. 25 ang “Kiko en Lala” under Backyard Productions sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.. Makakasama rin dito sina Ai Ai delas Alas, Kiray Celis, Divine Tetay, Jo Berry at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending