Maymay niregaluhan ng sariling bahay ang nanay na OFW sa Japan
NAIPATAYO na ni PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata ang bagong bahay na alay niya sa kanyang pamilya.
Ayon sa dalaga, may mga investments na rin siya mula sa mga kinita niya sa showbiz na para pa rin sa kanyang magulang at mga kapamilya.
Sa panayam ng Magandang Buhay kay Maymay, ibinalita niya na naipatayo na niya ang pangarap niyang bahay sa kanilang probinsya, nakabili na rin siya ng sariling sasakyan at may naibigay na rin siyang tricycle para sa ikabubuhay ng kanyang mga relative.
“Sa Camiguin po ‘yung bahay, actually patapos pa lang siya. Blessing na rin po ‘yung sasakyan kasi hindi namin akalain na sa endorsement kasama na po siya doon,” pahayag ni Maymay.
At ang itinuturing niyang pinakamalaking blessing sa buhay ay ang bahay sa Japan na regalo niya sa kanyang ina. Ilang taon na ring nagtatrabaho roon ang kanyang nanay.
“Kasi po ‘yung mama ko noong nakita niya ‘yung bahay naiyak siya kasi 28 years na siya doon sa Japan tapos nagre-rent pa rin sila kasi ang mahal po kasi ng renta doon.
“So, ngayon naiyak siya kasi may sariling bahay na siya at hindi niya akalain na magkakabahay pa siya tapos masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso,” masayang pahayag pa ng ka-loveteam ni Edward Barber.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.