JM De Guzman umalma sa kasong ‘frustrated murder’, magsasampa ng kontra demanda | Bandera

JM De Guzman umalma sa kasong ‘frustrated murder’, magsasampa ng kontra demanda

Reggee Bonoan - September 22, 2019 - 12:05 AM

JM DE GUZMAN

Nitong Huwebes, Set. 19 ay may tumawag sa amin tungkol sa pagsasampa ng kasong frustrated murder laban kay JM de Guzman sa Prosecutor’s Office sa Quezon City.

Ayon sa complainant na si Pitt Norman Zafra, binugbog daw siya ni JM sa loob ng isang resto bar kasama ang isa pang lalaki na muntik na niyang ikinasawi. Nagsimula umano ang lahat nang magpa-picture si Zafra at ang wife nito kay JM.

Nauna nang lumabas ang kuwentong ito sa social media kung saan idinetalye nga ang pagsasampa ng kaso sa isang aktor na umano’y nambugbog ng isang businessman. Bigay na bigay ang clue sa blind item kaya marami ang nakahula na si JM ang tinutukoy sa artikulo.

Tinext namin ang handler ni JM na si Portia Dimla-Morales tungkol dito pero hindi niya kami sinagot.

Nabanggit namin ang isyu sa nanay ni JM sa seryeng Pamilya Ko ng ABS-CBN na si Sylvia Sanchez at kaswal na sinabi niya sa amin, “Sinend niya (JM) ang video sa akin, hindi niya sinaktan (yung nagdemanda).”
Kinumusta namin ang aktor sa aktres, “Masaya naman, nagti-taping. May hawak siyang matibay na mga ebidensiya.”

Halos lahat ng nakakakilala kay JM ay iisa ang sinasabi tungkol sa kaso, “Hindi ‘yan magagawa ni JM.”

Sa official statement ng Star Magic na namamahala ng career ni JM sa pamamagitan ng mga abogadong sina. Atty. Louie Aseoche at Atty Juan Paolo Tumbali, kinontra nila ang mga pahayag ni Zafra.

“On behalf of JM de Guzman, we would like to inform everyone that there are reports circulating that a certain Pitt Norman Zafra recently filed a complaint for Frustrated Murder against JM and another individual at the Office of City Prosecutor in Quezon City.

“In the Complaint-Affidavit of Mr. Zafra is actually a rehash of a previous complaint he filed for ‘Physical Injuries’ which he withdrew before the City Prosecutor Office in Quezon City, August 9, 2019. JM is surprised why Mr Zafra would now want him to answer for a more serious charge under the same set of factual circumstances as the complaint that he withdrew last month.

“We believe that the proper venue where facts can be distilled from fiction would be before the Investigating Prosecutor in Quezon City, not in media. Since Mr. Zafra had already filed his complaint, it is most unfair of Mr. Zafra to preempt the proceedings by spreading negative publicity against JM when the Investigating Prosecutor of Quezon City still has to conduct a preliminary investigation on the charges.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We are confident that JM has the necessary evidence, both testimonial and electronic to prove his innocence. JM will most certainly file counter charges against Mr. Zafra.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending