Duterte tiwala pa rin kay Puyat sa kabila ng word war nila ni Pulong | Bandera

Duterte tiwala pa rin kay Puyat sa kabila ng word war nila ni Pulong

Bella Cariaso - September 20, 2019 - 02:07 PM

NANANATILI ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat  sa kabila naman ng word war sa pagitan niya at ni presidential son at  House Deputy Speaker Paolo “Pulong” Duterte.

Sa isang briefing, idinagdag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na masaya naman si Duterte sa trabaho ni Romulo Puyat.

“Lahat naman tayo we work under the full trust and confidence of the President and as long as nandiyan pa yung full trust and confidence then we will serve as his alter egos,” sabi ni Nograles.

Ito’y matapos na sabihin ni Pulong na napupuyat siya kay Romulo-Puyat matapos namang makarating kay Duterte ang kanyang reklamo sa kalihim.

“Yung full trust and confidence ni Pangulo kay Secretary Berna obviously continue. Alam naman natin na maganda naman yung mga ginagawa ni Secretary Berna as far as tourism is concerned,” ayon pa kay  Nograles.

Sinabi ni Pulong na may mga nagrereklamo sa paraan ng pag-apruba ni Romulo-Puyat ng mga kontrata.

Idinagdag ni Pulong na babanggitin sana niya ang isyu sa pagtalakay ng budget ng DOT sa plenaryo bagamat hindi niya itinuloy matapos na sabihin ni Speaker Alan Peter Cayetano na pag-usapan na lang nila ni Romulo-Puyat ang isyu ng pribado.

Ayon kay Pulong, nagulat siya nang tawagan siya ng kanyang tatay matapos umanong magsumbong si Romulo-Puyat.

“Under her watch, tumaaas po yung tourism numbers natin, dumami yung turista natin, at maganda naman yung industry. Pati yung mga stakeholders natin sa tourism industry wala namang reklamo kay Secretary Berna. Mabilis naman umaksyon, masipag naman, maganda naman yung mga projects ng DOT right now under her watch,” giit ni Nograles.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending