ABS-CBN naka-20M YouTube subscribers na; 44 channels tumanggap ng silver, gold awards | Bandera

ABS-CBN naka-20M YouTube subscribers na; 44 channels tumanggap ng silver, gold awards

Bandera |September 20,2019
facebook
share this

ABS-CBN naka-20M YouTube subscribers na; 44 channels tumanggap ng silver, gold awards

Bandera - September 20, 2019 - 12:15 AM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

PARAMI nang parami ang mga Pinoy na nakatutok at nanonood ng balita, palabas, at mga paborito nilang Kapamilya stars online dahil umabot na sa higit sa 20 milyong Kapamilya ang naka-subscribe sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Doble sa naitala nito noong nakaraang taon na naging dahilan sa makasaysayang pagkilala rito bilang kauna-unahang channel sa bansa na nagkamit ng 10 milyong subscribers.

Matapos itong gawaran noong 2018 ng YouTube ng Diamond Creator Award, na ibinibigay sa mga channel na may 10 milyong subscribers, ito na ang pangalawang most subscribed channel sa Southeast Asia kasunod ng Thai TV network na Workpoint. Bukod sa pagiging numero unong YouTube channel sa bansa, nakapasok na rin ang ABS-CBN Entertainment YouTube channel sa Top 50 most viewed YouTube channels sa buong mundo.

“Lubos ang pasasalamat namin sa 20 milyong Kapamilya na nakagawian nang araw-arawin ang panonood ng iba’t ibang uri ng content na inilalabas namin sa YouTube. Patunay lamang itong patuloy nilang sinusubaybayan ang aming mga programa, pelikula, Kapamilya stars, at sari-saring videos hindi lang sa TV, kundi pati na sa aming online platforms.

“Gagawin namin itong inspirasyon sa pagpoprodus pa ng videos na gusto nilang panoorin at ulit-ulitin,” pahayag ni Elaine Uy-Casipit, head ng ABS-CBN digital media.

Nitong Set. 18, mayroon ng 21.7 milyong subscribers ang naturang channel. Patunay rin na makabuluhan, nakaaaliw, at nakapupukaw ng damdamin ang videos ng 44 Kapamilya YouTube channels na nakatanggap na ng Gold Creator Award, na binibigay sa mga channel na nakapagtala ng isang milyong subcribers, pati na Silver Creator Award, para naman sa mga channel na may higit sa 100,000 subscribers.

ABS-CBN din ang nagmamay-ari ng ikalimang most subscribed channel sa bansa na ABS-CBN News, na ngayon ay nagtatala na ng 6.8 milyong subscribers at higit sa 4 bilyong views. Kasali rin sa top channels ng ABS-CBN ang Star Music (3.6 million subscribers), Pinoy Big Brother (3.2 million), Star Cinema (2 million, kung saan humataw ang The Hows Of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), Pilipinas Got Talent (1.7 million), The Voice Kids (1.7 million), ang katatapos lang na Idol Philippines (1.4 million), at The Gold Squad (1 million)—na nakamit na ang Gold YouTube Creator Award na iginagawad sa mga channel na nagtala ng higit sa isang milyong subscribers.

Humakot naman ng Silver YouTube Creator Awards ang Kapamilya talent-reality, game, at variety shows tulad ng The Voice, Little Big Shots, Your Face Sounds Familiar, The Voice Teens, I Can See Your Voice, World of Dance Philippines, Minute to Win It at It’s Showtime sa paglagpas ng mga ito ng 100,000 subscribers.

Nasa Silver rank na rin ang ibang ABS-CBN channels na naghahatid ng mga balita, musika, pelikula, palabas, at updates tungkol sa Kapamilya stars. May Silver YouTube Creator Awards na rin ang channels na Alex Gonzaga (Music), Daniel Padilla (Music), Momshie Karla Estrada, Morisette at Vice Ganda na naghahatid ng saya sa iba’t ibang Kapamilya netizens.

Pinapatunayan lamang ng pangunguna ng ABS-CBN sa YouTube na unti-unti nang nagiging isang digital company ang ABS-CBN dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending