Pagkapanalo ni Isabelle sa Miss World PH 2019 kinontra, kulang daw sa height

By Cristy Fermin September 19,2019
share this

Pagkapanalo ni Isabelle sa Miss World PH 2019 kinontra, kulang daw sa height

By Cristy Fermin September 19,2019
share this


ANG magaling na child star na pinapasan-pasan ni Jiro Manio sa pelikulang “Magnifico,” beauty queen na!

At sa kanyang pananalo bilang Miss Multinational Philippines sa katatapos lang na beauty pageant ay bina-bash ngayon si Isabelle de Leon.

Paano raw binigyan ng korona ang isang bansuting kalahok na katulad niya? 5’3″ lang ang height ng magandang aktres, kinukuwestiyon ngayon ng mga hindi natutuwa sa kanyang tagumpay ang kanyang kakapusan sa height, sigurado raw na may “nakialam” sa judging kaya siya nanalong Miss Multinational Philippines.

Napanood namin ang Miss World Philippines, kung ganda ang pag-uusapan ay lumaban nang sabayan si Isabelle, sa question and answer ay kahanga-hanga ang singer-actress dahil beauty and brains siya.

Hawak na niya ngayon ang posisyong ipinagkatiwala sa kanya ng pamunuan ng Miss World Philippines, wala nang magagawa ang mga kumokontra kundi ang mag-ingay na lang, dahil mas marami ang pumapabor na manalo si Isabelle.

Sa totoo lang, matinding sakripisyo ang pinagdaanan ng dalaga para sa bagong mundong pinasok niya, kitang-kita naman ang resulta nu’ng mismong gabi ng pageant dahil malaki ang nabawas na timbang sa kanya.

At napakaganda ni Isabelle de Leon, panalung-panalo ang kanyang datingan, kaya huwag na sana siyang bulabugin ng mga taong walang magawa d’yan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending