Tambalang JulieVer, KrisVer patok na patok sa mga Kapuso | Bandera

Tambalang JulieVer, KrisVer patok na patok sa mga Kapuso

|September 19,2019
facebook
share this

Tambalang JulieVer, KrisVer patok na patok sa mga Kapuso

- September 19, 2019 - 12:01 AM

PATOK na patok sa fans ngayon ang JulieVer tandem nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na nagsimula sa weekly musical show ng GMA na Studio 7.

Tanggap na tanggap ng Kapuso viewers ang dalawa bilang hosts ng Studio 7 kaya naman sila rin ang kinuha ng mga bossing ng GMA para pumalit kay Regine Velasquez sa Season 2 ng The Clash. In fairness, malakas talaga ang chemistry nila on screen at kering-keri nilang dalhin ang kabuuan ng show.

“Siguro nakita nila na, well, kahit ako ang bilis kasi naming nag-jive, tapos sa mga production numbers, natuwa yung mga tao. And mas naging close pa kami nung nag-Brooklyn pa kami nina Julie,” pahayag ni Rayver sa nakaraang presscon ng The Clash na magsisimula na ngayong Sabado.

Inamin ng binata na kahit sila ni Julie ay nagulat sa mainit na pagtanggap ng fans sa JulieVer, “Oo naman! Siyempre, kasi hindi mo naman alam, e, you’ll never know naman kung sino yung gugustuhin ng tao o hindi, di ba? Basta ikaw, gawin mo lang yung trabaho mo at palagi mong galingan, di ba? Tapos magugulat ka na lang, ‘Uy, okay pala!’”

Bukod dito, patuloy ding sinusuportahan ng viewers ang tambalan nila ni Kris Bernal sa horror-suspense-drama series na Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, “Alam mo yun, sabi ko nga kay Kris, one year na ako sa GMA, ibig sabihin, one year ko na siyang katrabaho.”

Si Kris din ang unang nakatambal ni Rayver sa first teleserye niya sa GMA, ang Asawa Ko, Karibal Ko, “Ibig sabihin, gusto rin ng tao!”

Sumunod na tanong kay Rayver, paano naman ang tambalang JanVer sa tunay na buhay, na ang tinutukoy nga ay ang rumored girlfriend niyang si Janine Gutierrez. Masaya ba sila Janine sa kanilang relasyon?

“A, nilagyan na ninyo ng relasyon, nice, nanghuhuli na naman kayo! Ha-hahaha! Basta we’re happy, we’re happy,” sagot ng aktor na halatang umiiwas nang pag-usapan si Janine.

“Dapat kasi, may ano tayo, dapat alam natin kung paano i-set aside ang trabaho sa personal na buhay. Kasi, malamang sa trabaho, marami tayong palabas na iba ang makaka-partner, pero dapat sa tunay na buhay, alam mo kung sino ang espesyal sa puso mo,” paliwanag pa ng binata.

Samantala, makikilala na ngayong Sabado ang mga sasabak sa matinding showdown para sa season 2 ng The Clash. Sinu-sino sa kanila ang mapipili ng Clash Panel na sina AiAi delas Alas, Lani Misalucha at Christian Bautista.

Ang tambalan naman nina Ken Chan at Rita Daniela ang magiging Journey hosts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending