'Masyado na bang nagiging selfish ang LGBTQ?' | Bandera

‘Masyado na bang nagiging selfish ang LGBTQ?’

Ronnie Carrasco III - September 19, 2019 - 12:01 AM

JAKE ZYRUS

BY far, ilan na rin ang aming naringgan ng kanilang opinyon hinggil sa kontrobersiyal na SOGIE bill.
Thoughts are polarized to the point na ang mga opinion-makers na inaasahan nating either pro or anti are not just that.

Maliban siguro kay Vice Ganda who has yet to transform himself into a trannie, kahit ang mga tulad niyang beki sa biglang tingin at hindi na kailangan ng pustahan at the mere sight of a gay ay hindi pabor sa pagkakaroon ng ikatlong comfort room para sa mga bihis-babaeng kabaro or even those who have undergone sex change procedure.

We can only name Rosanna Roces, Arnel Ignacio and Mother Ricky Reyes who all find the issue as no big deal.

Praktikal at makatuturan sa amin ang kanilang pare-parehong pananaw without sounding Biblical or religious about it.

Osang has adapted to the “gayishness” of the world, ibang layer naman ang pagkabeki ni Arnel while the salon tycoon is the surrogate mother to all the gay dreamers with nothing but scissors and combs as weapons in life.

Walang pag-aalinlangang suportado nila ang gay rights, ang kaparehasan ng mga karapatang hindi lang nararapat sa mga babae at lalaki. No one questions that anyway.

Pero sabi nga ni Mother Ricky, lumugar din sana ang ibang mga beking either may nadagdag na o natapyas sa kanilang katawan.

Is it the feeling nga ba which makes a beki feel she’s a total woman? Or a lesbian a total man?

Buti pa si Jake Zyrus. While she already dropped her baptismal name, aniya’y babae pa rin siya. At hindi dahil patag na ang kanyang dibdib o tinutubuan na siya ng bigote is enough reason for her to answer the call of nature inside a men’s restroom.

q q q

Masalimuot, magulo, walang-katapusang debate ang kauuwian ng usaping ito, kung paanong umani rin ng iba’t ibang reaksiyon ang pagpapahintulot sa mga transwoman sa pagsali sa mga international beauty pageants.

Tingnan na lang natin ang isang aspetong ito na labas ang pagkakaroon ng sariling CR para sa transmen at transwomen.

Even former Miss Universe winners Gloria Diaz and Margie Moran have expressed dissenting views on allowing transwomen na makilahok sa mga ganu’ng patimpalak. Pro si Gloria, kontra naman si Margie.

Ang katwiran ni Margie is not necessarily anti-gay rights. May mga gay beauty contests naman, bakit ihahalo pa sila sa mga tunay na babaeng ipinanganak na may you-know-what? In the same manner, no biological woman should be welcomed to join what’s exclusively gay’s.

Para sa amin, it’s knowing the extent of your territory. Don’t cross the line lalo’t alam mo naman sa sarili mo na hindi na karapatan ang iyong ipinaglalaban.

At kung karapatan mo mang matatawag ‘yon that you’re simply asserting it, isipin mo rin ang mga karapatan ng kapwa mo as you might be trampling upon their rights.

Madalas nating ikatwiran to justify our share of debauchery in life, it’s right when it feels good. Sa atin siguro, pero paano naman para sa iba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aren’t we being selfish?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending