Liza Soberano binatikos sa ‘blackface’ comment; nag-sorry
NAG-SORRY si Liza Soberano sa madlang pipol matapos ma-bash dahil sa naging komento niya sa issue ng “blackface”.
Maraming nagalit at na-offend sa naging pahayag ng Kapamilya actress tungkol sa issue ng kulay at lahi ng tao.
Nagsimula ang kontrobersiya nang mag-post si Liza sa Instagram ng kanyang litrato para sa bago niyang endorsement kung saan naka-Afro wig siya at leopard-skin top.
Isang netizen ang nag-comment na “blackface” o isang klase ng diskriminasyon sa isang lahi ang kanyang ginawa. Partikular na tinukoy nito ang pagsusuot niya ng kulot na wig, dahil isa nga itong uri ng panglalait sa black people.
Sagot naman sa kanya ni Liza, “This is not any form of black face. It’s a costume just like how any other person would dress up if they were portraying a famous character. In this case its Mel B.”
Ang tinutukoy niyang Mel B ay member ng ‘90s all-girl British group na Spice Girls.
Ibinigay pa niyang halimbawa ang mag-utol na black actors na sina Marlon at Shawn Wayans na napanood sa 2004 Hollywood movie na “White Chicks” kung saan nagpanggap ang mga ito bilang white women.
“So what do you call the Wayans siblings when they had to act like white girls?
“I think you dont understand the context of black face. A lot of women have afro’s it doesn’t specifically belong to one ethnicity,” pahabol pang mensahe ng girlfriend ni Enriqe Gil.
Matapos ito, sunud-sunod na ang pambabatikos kay Liza at sinabihan pa na mag-research muna tungkol sa mga pinagsasasabi niya. Hanggang sa mapilitan na ang dalaga na humingi ng paumanhin sa kanyang followers.
“Before everything gets out of hand I would like to apologize for those affected by my comments about the whole ‘black face’ issue.
“It wasn’t of my intention to mock anyone of any culture or ethnicity.
“I understand that this is a sensitive topic and that I should’ve kept my mouth shut.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.