Pasaway na female star kaaway ang utol na politiko; dedmahan kapag nagkikita

By Cristy Fermin September 17,2019
share this

Pasaway na female star kaaway ang utol na politiko; dedmahan kapag nagkikita

By Cristy Fermin September 17,2019
share this

KALAT na kalat sa mundo ng pulitika ang malaking gap na namamagitan sa isang kilalang pulitiko at sa kanyang kapatid na sikat.

Walang naitatago sa kanila, kung saan nanggagaling ang mga kuwento ay sila-sila lang ang nakakaalam, pero alam ng grupo ang ikot ng kuwento tungkol sa matinding away ng magkapatid.

Kuwento ng isang source, “Kapag nasa isang okasyon ang sister niya, e, hindi mo mapapapunta ang politician. Umiiwas siya talaga, ayaw raw kasi niyang makipagplastikan sa sister niya!

“Kaya pansinin n’yo, kapag nandu’n ang girl, e, hindi talaga dumarating ang politician. Iniiwasan niyang magkita sila,” umpisang chika ng aming impormante.

Matagal nang hindi magkasangga ang magkapatid, ang iba nilang mga kapatid ang kakampi ng girl, pero ang pulitiko ay lantarang magpakita ng pagkontra sa mga pinaggagagawa ng kapatid nito.

Patuloy ng aming source, “Napakarami naman kasing kalokahang pinaggagagawa ang girl, ayaw na ayaw ‘yun ng pulitiko, talagang harap-harapan niyang ipinakikita sa sister niya ang pagkontra niya!

“Palagi ngang nag-aargumento ang pulitiko at ang iba pa niyang mga kapatid, kasi nga, hindi niya kayang kampihan ang sister niya! Sa mga function na hindi puwedeng mawala ang pulitiko na nandu’n din ang sister niya, e, deadmatology lang siya!

“Hindi niya kinikibo ang sister niya, parang hindi nag-e-exist ang girl, deadma kung deadma lang sa kanya ang brother niya!

“Nakikipagdedmahan din naman sa kanya ang sister niya, marami kasi siyang kakampi, nandu’n ang mga ate niya!” madiing kuwento ng aming source.

Ang pagpapalit-palit ng karelasyon ng female personality na puro pamilyado pa ang lalaki, isa ‘yun sa hindi gusto ng pulitiko, maraming ginagawa ang girl na hindi matanggap ng kanyang kuya.
“Hanggang ngayon, e, hindi pa rin sila okey, iniiwasan pa rin ni kuya na makasama sa kahit anong okasyon ang girl, may ginawa na naman kasing kalokahan ang girl na nakarating sa pulitiko,” kuwento ng aming impormante habang umiiling.
Bigay na bigay na kung sinu-sino sila, baka naman maupo pa kayo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?
q q q
Kagabi ay nagbukas na ang kurtina ng bagong pinagbibidahang serye ng Box-Office King na si Alden Richards. Inabangan talaga ng kanyang mga tagasuporta at ng ating mga kababayan ang The Gift.
Mula sa isang matagumpay na pagbibida sa pelikula ay inaasahang makikipaglaban din sa rating ang kanyang serye sa GMA 7 kahit pa hindi nagpapa-pressure ang Pambansang Bae.
Kahit kailan, paikut-ikot man ang tanong, ay hindi kakikitaan ng kayabangan si Alden. Napaka-humble ng binatang ito, walang kaangas-angas, kahit pa isa na siya sa pinakasikat na artista ng kanyang henerasyon.
‘Yun ang katangian ng guwapong aktor na tumatatak sa publiko, bibihira ang tulad niyang sikat na nananatiling nakabaon ang magkabilang paa sa lupa, ‘yun ang kanyang naturalesa na kailangan nating ipagpasalamat sa mga taong gumabay sa kanyang paglaki.
Lumaking sagana sa pagmamahal at paggabay si Alden Richards, nandiyan ang kanyang mga magulang at lola, nakalulungkot nga lang na hindi na nasaksihan ng kanyang ina ang matagumpay niyang karera.
‘Yun ang dahilan kung bakit maligaya man siya dahil sa matinding tagumpay ng kanyang career ay nasasalitan pa rin ‘yun ng lungkot. Bawat bata pa naman ay makaina, itinuturing nilang idolo ang kanilang nanay, na hindi na personal na nagagawa ngayon ni Alden.
Sa puntod ng kanyang ina na lang siya nagsasadya, nananalangin at ibinabalita niya sa kanyang mommy ang mga biyaya at tagumpay na tinatanggap niya, tanging dasal na lang ang kanilang komunikasyon ngayon.
Harinawang hanggang sa huli ay walang pagbabagong maganap kay Alden Richards, mahal na mahal siya ng publiko, na binabalikan din naman niya ng katumbas na pagpapahalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending