Veteran actress sobrang tipid, pati ref pinalagyan ng susi

By Cristy Fermin September 16,2019
share this

Veteran actress sobrang tipid, pati ref pinalagyan ng susi

By Cristy Fermin September 16,2019
share this

MARAMING nagduda sa kuwentong may susian-lock ang refrigerator ng isang dating aktres. OA daw ang kuwento, maraming nagsasabi, dahil bakit naman palalagyan ng saraduhan ng beteranang aktres ang kanilang refrigerator?

Sinisiraan lang daw ng kanyang mga dating kasambahay ang may edad nang female personality, siguro raw ay hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay, kaya ganu’n.

Pero mismong anak pala naman ng dating aktres ang nagbuking ng lihim ng kanyang ina, ito ang nagsabing totoo, may lock ang kanilang ref.

Kuwento ng isang source, “Masyado kasing masinop sa pera ang veteran actress, ayaw niyang may nasasayang na kahit ano sa bahay nila, lalo na sa pagkain.

“Sa sobrang pagiging masinop niya, e, pinalagyan niya ng susian ang ref nila. ‘Yung sa kitchen, ‘yung sa mismong bedroom niya, totoo palang may susian ‘yun!

“Ang katwiran ni mommy, e, may food daw naman ang kanilang mga kasambahay, nagbibigay siya ng allowance, kaya ang pagkain nilang mag-iina, hindi puwedeng pakialaman ng mga maids nila,” paliwanag ng a-ming impormante.

Ang artistang anak ng veteran actress ang nagbukelya sa kanyang mommy, ito ang nagkukuwento sa kanyang mga kaibigan kung gaano kagaling magmaniobra sa kanilang buhay ang dating aktres, pero wala naman daw itong ibig ipakahulugang negatibo.

“Casual na kuwentuhan ‘yun ng magkakaibigan isang gabi. Ang topic nila, e, ang paghawak ng mga kinikita nila. Ibinigay na example ng female personality ang mommy niya na ang galing-galing daw mag-budget.

“Idol nga raw niya ang mommy niya dahil maparaan. Ang food nilang mag-iina, e, nasa ref na may kandado. Ang mommy lang niya ang mayhawak ng key ng ref.

“Kapag kakain na silang magkapatid, saka lang bubuksan ang ref, nandu’n na ang nilutong pagkain ng cook nila, pinalamig lang bago inilagay sa ref. Iinitin na lang kapag kakain na sila.

“Proud pa siyang magkuwento tungkol du’n, promise! Kaya nga biro ng mga friends niya, mabuti raw at hindi tinatalian ng tanikala ng mommy niya ang refrige-rator nila?

“Ang sagot ng female personality, ‘Baka one day, talian na rin niya ang ref namin.’ Kaya raw naman pala napakapayat ng female persona-lity, e, dahil naka-lock ang ref nila!

“Napaka-sweet ng name ng dating aktres, sa totoo lang, walang kasingtamis!” pagtatapos ng aming source.
Siguradong kilala n’yo ang veteran actress na ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending