NALUSAW ang bagyong Marilyn habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, alas-8 ng gabi noong Sabado nang lumabas ng PAR ang bagyo.
Pero mayroon umanong posibilidad itong lumakas at ma-ging isang bagyo muli kaya patuloy ang pagbabantay dito ng Pagasa.
Wala man sa loob ng PAR hahatakin ng LPA ang Hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Isang low pressure area rin ang binabantayan ng Pagasa sa loob ng PAR. Ito ay namataan 495 kilometro sa silangan ng Iba, Zambales. Inaasahan naman na malulusaw ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.