Ex-member ng E-Heads inireklamo ng pang-aabuso ng sariling anak
INAKUSAHAN ng physical at verbal abuse ang dating gitarista ng bandang Eraserheads na si Marcus Adoro ng kanyang anak at dating partner.
Idinaan ni Barbara Ruaro dating girlfriend ni Marcus at anak na si Syd Hartha Chua ang kanilang reklamo sa Facebook. Ipinost nila ang screenshots ng kanilang private conversation sa Eraserheads guitarist.
Narito ang mahabang status ni Syd na isa ring singer-composer sa FB: “Sa labing limang taon ng buhay kong wala siya upang gumanap na ama sa akin, sobrang dami kong tanong tungkol sa kanya at wala na akong ibang ginusto kundi makilala yung iba ko pang mga kadugo at siyempre, malaman ang pakiramdam na makasama siyang sinasabi nilang tunay kong ama.”
Pagpapatuloy pa niya, “Sa halos isang taong madalas ko siyang nakakausap at nakakasama, nabigyan na ng kasagutan lahat ng bitbit kong katanungan noon. Hinding hindi ko makakalimutan iba’t ibang klase ng abuso na dinanas ko sa kanya. Kaya pala ako nilalayo ng nanay ko at iba pang mga kamag-anak ko sa kanya. Kaya pala.”
“Kahit grabe yung nagagawa niya sa akin at sa mga mahal ko sa buhay, naniwala pa rin ako noon na may puso pa talaga siya at kaya pa niyang bumawi. masyado akong naniwala. masyado ko siyang tiniis pero sa totoo lang, ‘di ko rin masisisi sarili ko kasi matagal ko nang hinintay yun eh. gutom na gutom ako sa pagmamahal at atensyon niya na nakalimutan kong alagaan rin sarili ko,” pahayag pa ni Syd.
“Ilang beses ko nang sinubukang layuan si makoy hindi lang dahil ubos na ubos na ako pero dahil rin ang dami dami dami nang nawalang mahalaga sa buhay ko dahil sa mga pinag gagagawa’t sinasabi niya sa kanila. pero ang galing niyang makuha ako pabalik.
“Hindi lang isang beses na sinaktan niya ako nang pisikal. Tinatama niya ulo ko sa pader; kahit sa harap ng kaibigan ko o kapag nakatalikod nanay ko. I never realized then na I might be interrupting his karma. I should’ve done better but I know I tried to help myself as much as I could.
“Hanggang ngayon, araw araw kong bitbit yung takot na baka mangyari ulit ito sa akin o sa kahit sino man. Sana magsilbi itong gabay sa lahat. This monster could be anywhere now doing who else knows what. Let’s watch out for each other,” huling bahagi ng FB post ni Syd.
Bago ito, nag-post din ang dating partner ni Marcus na si Barbara Ruaro ng mahabang mensahe tungkol sa pananakit sa kanya ng isang taong nakasama niya noon pero wala siyang binanggit na pangalan.
Aniya, “Domestic violence is not limited in terms of bruises. Psychological, verbal, and sexual abuse are also considered. I experienced all sorts of abuse under the hand of a narcissistic man. The vicious cycle he has created for himself and others should be put to a stop. I will share my story soon.
“Time and time again, I was made to feel everything was my fault. That if he treated me badly, it was because I deserved it. That everytime I reacted negatively to his abuse, it was a result of my PTSD and not the abuse itself.”
“I wasn’t allowed to leave the room, even if he broke things in front of me with his hands. I was isolated from my friends and family, and the only chance I’d get to see people was if I needed to be at work. And that was just the beginning.”
“I promised myself if I’m going to fight for this case, I’m going to do it right. The series of photos posted are just half of the damage done to my body. The internal wounds keep me up night, while my abuser is still running free.”
Bukas ang pahinang ito sa magiging paliwanag ni Marcus para mas maging malinaw ang isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.