Nora agaw-eksena sa Sine Sandaan, kapwa celebs nagkagulo      | Bandera

Nora agaw-eksena sa Sine Sandaan, kapwa celebs nagkagulo     

Alex Brosas |September 14,2019
facebook
share this

Nora agaw-eksena sa Sine Sandaan, kapwa celebs nagkagulo     

Alex Brosas - September 14, 2019 - 04:15 AM

IBA talaga ang Superstar na si Nora Aunor.

When she attended the Sine Sandaan Gala Night ay ramdam na ramdam ang kanyang presence as recalled by one guy on Twitter.

“Hindi pa ako maka-get over na halos gumuho ang bleachers at nagkagulo pati mga artista nang dumating ang nag-iisang Superstar. As in TUMABI KAYONG LAHAT, DADAAN SI NORA AUNOR,” the guy tweeted.

Palagi namang ganyan ang eksena kapag dumarating na si Ate Guy. Lahat ng chikahan, plastikan, kuwentuhan ay natitigil kapag pumapasok na siya sa pintuan ng isang event. Alam na alam mong siya ang pumasok dahil biglang tumatahimik ang lahat, as if there was ghost which just came. Her enigmatic presence is always felt kahit saang okasyon.

Sabi nga ng isang veteran writer, alam na alam mong dumating na si Ate Guy kapag biglang natahimik ang mga tao sa isang okasyon. Iba ang karisma ni Ate Guy. Talagang ititigil mo ang iyong ginagawa kapag dumating na siya.

Ang daming nag-react sa tweet na ‘yun ng guy about Ate Guy.

“Yan ang orig na phenomenal Superstar Nora Aunor, di ko pa nakita si idol Star for all Season Vilma Santos.

“Sa kanya unang nag fangirling ang nanay ko. Hahahaha! Iba talaga sya!”

“Wow! Nag-iisang Superstar. Nangungusap na mga mata ni Ate Guy.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending