Ella, Julian magdyowa na; Fake na kasal gusto nang totohanin | Bandera

Ella, Julian magdyowa na; Fake na kasal gusto nang totohanin

Ervin Santiago |September 14,2019
facebook
share this

Ella, Julian magdyowa na; Fake na kasal gusto nang totohanin

Ervin Santiago - September 14, 2019 - 02:50 AM

SA wakas ay umamin na rin sina Ella Cruz at Julian Trono sa tunay na estado ng kanilang relasyon.û

Napaamin ng ilang members ng entertainment media ang dalawa sa pa-presscon ng Viva Artists Agency kay Ella para sa mga bago nitong projects at sa pagkapanalo niya ng best supporting actress para sa pelikulang “Edward” na isa sa naging entry sa Cinemalaya Film Festival 2019.

Nauna naming nakachikahan si Ella na puro bitin ang sagot patungkol sa relasyon nila ni Julian, ang lagi niyang sinasabi ay espesyal ang binatang singer-actor sa kanya at nagkakasundo sila sa maraming bigay. 

“Mga two months pa lang. Hindi ako nagbibilang, eh,” ang pag-amin ni Julian nang tanungin sa real score ng status nila ng ka-loveteam. Pero biglang bawi ng binata habang tumatawa, “Friends lang kami. Ha-hahahaha!” 

Hirit naman ni Ella, “Oo naman, kami naman talaga. Ha-hahaha!” 

Sa tanong kung feeling nila ay sila na ba ang magkakatuluyan, “Oo naman.”

Anu-ano ba ang mga nagustuhan ni Julian kay Ella? “Kapag magkatabi kami, ‘pag malapit siya sa akin, siya ang dahilan kung bakit ako nagiging matangkad. Ha-hahaha!”

“No, honestly, bata pa lang magkakilala na kami. Matagal na kaming friends. Siya ang puppy love ko,” chika ni Julian. Singit naman ni Ella, “Puppy love ko rin siya noon!” 

“Then, matagal kaming hindi nagkita. So, napunta sa iba ang atensiyon ko. Then, nakita ko siya ulit. Sabi ko, ‘ay, parang puwede ah. ‘Yun na!” sey pa ni Ella.

“Pero siyempre, more than anything else, ang maganda kasi sa amin, magtropa talaga kami, magkakulitan kami,” lahad ng binata.

“Sabi ko nga sa kanila, si Julian ang tao na hindi ko kailangang magpa-impress talaga. Hindi ko kailangan magpaganda sa harap niya,” ang sey naman ni Ella.

Samantala, nag-viral naman ang fake wedding ng magka-loveteam matapos kumalat ang videos at photos ng mga eksena nila para sa bago nilang TV series na A Not So Fake Love Story na mapapanood sa CignalTV. 

Inakala talaga ng kanilang fans at ilang kaibigan na totoong nagpakasal na sila. Marami nga raw ang nagtampo na hindi sila naimbita sa wedding.

“Ang hirap i-spoil sa kanila, and at the same time, parang na-lead namin sila sa ano, na hindi nga sila invited. Si Mark Herras, nagsabi na nagtampo siya, kasi nga hindi man lang siya sinabihan,” natatawang kuwento ni Julian.

Singit naman ni Ella, “Hanggang ngayon hindi namin sila sinasabihan. Hindi kami nagri-reply sa lahat. Hindi kami nagti-thank you sa kanila. Pero ngayon alam na nila, natanong n’yo na, e!” 

Paliwanag pa ng singer-actor, “Nu’ng una parang social experiment talaga, pero at the same time, parang naisip din namin, baka mali ang ginagawa namin, kasi nga marami ang nag-iisip ng kung ano-ano.” 

Ibinuking din ni Ella na mas affected daw si Julian sa wedding scene nila. Sabi ni Julian, kahit na hindi totoo ang kasal, “Its real feeling, e.”

Nang mapansin ng press ang suot nilang “wedding ring”, “Nabili namin sa Divisoria, buy one, take one. P150 lang! Pero natawaran ko, kaya P100 na lang,” tawa nang tawang chika ni Ella.

* * *

Tuwang-tuwa naman si Ella sa pagkapanalo niya ng Best Supporting Actress sa Cinemalaya 2019 para sa “Edward” na idinirek ni Thop Nazareno, produced by Joyce Bernal. Nanalo rin ang movie ng Special Jury Prize at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide sa Oct. 2.

“I’m glad tinanggap ko po ang movie. Pero hindi ko po inaasahan na ako ang mananalo. This is my first award after 10 years of doing acting and ito talaga ang mahal ko, acting. Kaya para maparangalan ako ng ganito, sobrang laking bagay. Finally, nakita ko ‘yung pinaghihirapan ko na nagbunga ng maganda,” aniya. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa bagong movie nila ni Julian, may romcom series din sila sa cable, ang Sisters Forever (2getherPoorever) na mapapanood na simula Sept. 21. May bagong movie rin sila under Viva with Andrew Muhlach and Vito Marquez.

Sa TV naman, regular pa ring napapanood si Ella sa Kapamilya action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending