Kris, Kim sanib-pwersa na para landiin si Rayver
SPEAKING of Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, mas magiging kaabang-abang ngayon ang mga susunod na episode dahil nagawa nang sumanib ng kaluluwa ni Naomi (Kris Bernal) kay Katya (Kim Domingo).
Gagamitin ngayon ni Naomi ang katawan ni Katya para ipagpatuloy ang kanyang paghihiganti sa mag-asawang Matteo (Rayver) at Yvie (Megan). Magagawa na ngayong akitin ni Naomi si Matteo para tuluyan na itong malayo kay Yvie.
Ito na ang sinasabi ni Kim sa naging interview namin sa kanya sa presscon ng HSDNBK tungkol sa magiging twist sa character niya ngayong patay na ang boyfriend niya (Rodjun Cruz). Mula sa pagiging mabait at mapagbigay na pinsan ni Yvie, biglang magiging palaban si Katya lalo sa gagawin niyang paglalandi kay Matteo.
Napapanood pa rin ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko mula Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.