Paslit namatay dahil umano sa meningococcemia sa Cavite | Bandera

Paslit namatay dahil umano sa meningococcemia sa Cavite

- September 13, 2019 - 01:51 PM

PATAY ang isang apat-anyos na batang lalaki dahil umano sa meningococcemia sa Ternate, Cavite.

Iginiit naman ng mga otoridad na hindi pa ito kumpirmado dahil hinihintay pa ang resulta ng mga isinagawang pagsusuri kaugnay ng sakit ng bata.

Sinabi ni Dr. Nelson Soriano, provincial health officer, na nagsagawa na sila ng prophylaxis sa mga miyembro ng pamilya ng bata na nagkaroon ng malapitang kontak sa biktima para maiwasan ang pagkalat ng bacteria sakaling magpositibo nga ito sa meningococcemia.

Ipinadala na ang sample ng cerebrospinal fluid ng bata sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City para masuri.

Sinabi ni Soriano, na nagpakita ang bata ng mga sintomas ng  meningococcemia kagaya ng mataas na lagnat at panghihina.

Dinala ang biktima sa Cavite Municipal Hospital at kalaunan ay inilipat sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa bayan ng Naic. Namatay ang bata Huwebes ng umaga. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending