Friend ni ex nanliligaw, sasagutin ba?

By Beth Viaje September 13,2019
share this

Friend ni ex nanliligaw, sasagutin ba?

By Beth Viaje September 13,2019
share this

HELLO po, Ateng Beth!
Help me naman. Kakabreak lang namin ng BF ko of two years. At ngayon naman po ay may nanliligaw po sa akin.
Ang kaso po ay kabarkada ng ex ko yung nanliligaw sa akin. Ok naman po ‘yung guy, mabait at masipag.
Parang nagugustuhan ko na rin siya. Tama ba ang gagawin ko kung sakaling sagutin ko siya.
– Franny

Dearest Franny,
Susme naman ate, pahinga-hinga rin muna. Masarap ang mapag-isa minsan lalo pa’t galing ka sa isang masakit na breakup. Give yourself time to make a breather. Yung ang aatupagin mo ay sarili mo lang at hindi ang ibang tao.
May naghihintay ba ng metro ng taxi sa iyo at hindi ka makapaghintay kahit ilang linggo o buwan man lamang.
Ateng, pahinga muna sa pagboboypren. Sabagay, ano ba naman itong kadadaldal ko sa iyo? Kahit sigurong anong sabihin ko sa ‘yo na huwag munang mag-
dyowa, e, kung atat na atat ka nang magkaroon ng bagong BF, e, sisige at sisige ka pa rin.
Feeling ko di ka naman natigatig na nasayang yung two years ninyo ni ex. Mukhang di ka naman nasaktan at nakamove on ka na agad!
Aba’y bigyan mo naman ng tsansa yung katawan at puso mo na manahimik at mamahi-nga. Pag-isipan mo kung ano ang naging mali sa two years mong relasyon at ano ang natutuhan mo.
Pagplanuhan mo kung paano ka pwedeng mas magiging mabuting tao at karelasyon.
Ano ang mali at tama sa nagdaang dalawang taon.

As of sa kaibigan ni ex, nasa sa iyo yan. Sure ka bang di ka pinagpupustahanan o pinagpapasa-pasahan ng magkakabarkadang yan?
Syempre nanliligaw sya, lahat ng maganda at mabuti ipapakita nya.
Yamang atat ka na rin lang magdyowa agad, e di sagutin mo na, pag may mali at di mo nagustuhan, break-in mo na lang ulit. Madali ka namang maka move on eh.

Nung magjowa pa kayo ni ex, ano ba pagkakilala mo sa kaibigan nyong yan bago mo siya naging manliligaw?
Gaano ba sila kaclose ni ex? Nag uusap ba sila o napag usapan ba nila ni ex na nanliligaw sya sa yo? Kumbaga meron ba silang gentleman’s agreement. Big deal ba talaga sa yo na magkaibigan sila?
Kung ok lang naaman kay manliligaw na me nakaraan kayo ng barkada nya, then I guess walang problema.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending