Mukha pa lang ni Sue Ramirez nakakaelya na; RK hindi lumebel kina Tony at Marco
NGAYONG araw na ang simula ng bakbakan ng mga enry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
Tila walang foreign films na kasabay ang local movies na tampok sa 3rd PPP, kaya naman hangad ng mga producer na may kalahok sa taunang filmfest ng Film Development Council of the Philippines ay pasukin ng publiko ang mga sinehan at magpista sa lahat ng entries.
Sa 10 entry, napanood na namin ang “The Panti Sisters” nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables mula sa direksyon ni Jun Lana.
All out comedy ang pelikula at todo landi at pagandahan ang tatlong bida. Paiiyakin ka ng pelikula sa bandang huli dahil nanaig ang acceptance ng isang ama sa tatlong bading na anak.
Pampainit naman sa kalamnan ang pelikulang “Cuddle Weather” nina Sue Ramirez at RK Bagatsing. Mukha pa lang ni Sue eh, nakakaelya na pero ang husay niya sa pag-arte ay umangat din sa kabuuan ng pelikula.
Hindi naman humanay ang katambal ni Sue sa pelikula na si RK sa mga hunk na sina Tony Labrusca at Marco Gumabao, pero para sa amin hindi na mahalaga ang ganda ng katawan dahil ang husay sa pag-arte ang kanyang ipinimalas sa movie.
Imagine, halos sina Sue at RK lang ang nagbabatuhan ng linya sa kabuuan ng pelikula pero walang boring factor dahil sa mga palabang dialogue at mabilis na pacing ng kuwento.
Very “now” naman ang “I’m Ellenya L” ni Maris Racal. May kilig moments din ang hatid sa eksena nila ni Iñigo Pascual. Nakakatuwa ang naging paraan ng pagsikat online ng character ni Maris na ang tanging wish ay maging sikat na vlogger.
Bukod sa “The Panti Sisters”, “Cuddle Weather” at “Ellenya L”, ang iba pang entries ay “G!”, “Watch Me Kill” at “Circa.”
Proud na proud naman si FDCP Chairman Liza Diño dahil sa mga magagandang feedbacks para sa mga PPP 2019 entry na talagang pinanood niyang lahat nu’ng premiere night, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.