Ria Atayde type nga ba si Rafael Rosell?
SA ikalawang pagkakataon ay gaganap na namang nanay si Ria Atayde, ito’y sa bagong weekly series na Parasite Island na nagsimula nang umere noong Linggo, Set. 8 handog ng Dreamscape Entertainment.
Naunang gumanap na nanay si Ria sa teleseryeng My Dear Heart (2017) na pinagbidahan ni Heart Ramos. Kaya natanong ang aktres sa Parasite Island mediacon kung paano niya pinaghandaan uli ang pagiging mommy.
“I think I’m blessed because I have a younger brother who’s 9 (years old) si Xavi so para talaga akong second mommy. Ako ‘yung nag-a-attend ng Parent-Teacher conference.
“Alam kong iba pa rin ‘yung pagiging nanay so nakukuha ko na lang ‘yun kung paano ‘yung nanay ko (Sylvia Sanchez), mga lola ko, (Roselyn Ocampo at Pilar Atayde), mga tita ko. Tinitimpla ko lang at kumukuha ako sa lahat ng mother figures in my life,” paliwanag ni Ria.
Samantala, natanong din ang aktres sa terminong ginamit niya na may intellectual connection sila ng gumaganap na asawan niya sa kuwento na si Rafael Rosell.
“Marami kasi po kaming napag-uusapan like universe (common topics), malalim kasi na tao ‘to (sabay turo kay Rafael). Kasi kung ano ang trip niya, sinasakyan ko, sabi ko sige usap tayo. ‘Yun gets mon a ‘yun,” natawang kuwento ng dalaga.
Pagkatapos ng mediacon ay tinext namin si Ria tungkol sa sinabi niyang intellectual connection dahil kilala namin ang dalaga na type na type niyang kausap ang mga malalalim na tao at hindi niya feel ang small talk.
Kaya ang tanong namin ay kung type niya si Rafael. Pero smile emoticon lang ang sagot sa amin ng dalaga.
Anyway, nagmamadaling umalis si Ria pagkatapos ng mediacon ng Parasite Island nitong Lunes dahil may lakad pa raw siya at naisip namin na baka dadalo siya sa selebrasyon ng kaarawan ni JM de Guzman sa set ng Pamilya Ko, pero itinanggi naman ito ng dalaga.
Going back to Parasite Island ay gagampanan ni Ria ang karakter na Janelle, hiniwalayan niya ang asawang si Jesse (Rafael) dahil sa pagiging lasenggo nito at pilit namang binubuo ulit ang pamilya.
Abangan ang Parasite Island tuwing Linggo, 7 p.m. sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.