SWS: Dayaan sa halalan nabawasan | Bandera

SWS: Dayaan sa halalan nabawasan

Leifbilly Begas - September 11, 2019 - 05:27 PM

NABAWASAN umano ang mga taong nakasaksi ng dayaan sa eleksyon noong Mayo, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey, sinabi ng 59 porsyento na wala silang nasaksihang iregularidad sa nakaraang halalan. Sinabi naman ng 16 porsyento na hindi sila sigurado kung may nangyari o walang dayaan, 15 porsyento naman ang nakarinig o nakabasa ng dayaan at 10 porsyento naman ang personal na nakasaksi ng dayaan.

Mas mababa ito kumpara sa resulta ng survey para sa eleksyon noong 2016 kung saan 29 porsyento ang sigurado na walang nangyaring dayaan, 28 porsyento ang hindi sigurado kung nagkadayaan o hindi, 23 porsyento ang nakarinig o nakabalita nang naganap na dayaan at 19 porsyento ang personal na nakasaksi ng dayaan.

Sa mga nakasaksi ng dayaan, pinakamarami ang nakakita ng vote buying (10 porsyento), harassment ng mga botante (2 porsyento), flying voters (2), dayaan sa bilangan (1), pagbabayad para hindi bumoto (1), at karahasan sa araw ng halalan (1).

Tinanong ang mga respondents kung ano ang personal na kahulugan ng eleksyon sa kanila. Ang sagot ng 88 porsyento ay tungkulin nila ito bilang Filipino, 39 porsyento ang nasabi na magandang pamamaraan ito upang tugunan ng gobyerno ang panawagan ng publiko, 16 porsyento ang may maayos na pagkakaunawa sa mga isyung pulitikal, 15 porsyento ang bumoto sa sinusuportahan ng kanilang barangay, 12 porsyento ang bumoto dahil mayroong personal na pakinabang, 8 porsyento ang duda kung may magagawa ang kanyang boto, at 6 porsyento ang bumoto dahil malalaman ng iba na hindi siya bumoto.

Ang survey ay ginawa mula Hunyo 22-26 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending