P160M jackpot hindi tinamaan

By Leifbilly Begas September 11,2019
share this

P160M jackpot hindi tinamaan

By Leifbilly Begas September 11,2019
share this

HINDI tinamaan ang P160 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Martes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa lumabas na winning number combination na 30-13-09-11-47-01.

Posibleng umabot sa P165 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto sa Biyernes.

Nanalo naman ng tig-P56,390 ang 22 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P670 naman ang 1,469 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 24,600 mananaya na nakatatlong numero.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay binabawasan ng 20 porsyentong buwis.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending