Bading na kilala sa showbiz may bagong karaketan

By Den Macaranas September 11,2019
share this

Bading na kilala sa showbiz may bagong karaketan

By Den Macaranas September 11,2019
share this

KAHIT ilang mga pagsubok at pagsisisi ang naganap ay balik sa kanyang kakaibang raket ang isang kilalang TV at movie personality.

Marami siyang hawak na malalaking artista na sikat at malaki ang kinikita sa mga takilya pero sadyang iba yata ang pangangailangan ng ating bida.

Kilala siyang takbuhan ng mga laos na kababaihan sa showbiz na gustong rumaket kapalit siyempre ng pera sa maiksing panahon lamang.

Dati nang kilala na “suki” ang baklitang “handler” ng ilang mga artista na bida sa ating kwento pero iba ang pagkakakilala sa kanya ng publiko.

Mahusay kasi siyang magtago ng kanyang pagkatao at ang kanyang imahe ay isang ulirang magulang kahit na siya ay miyembro ng LGBTQ+ community.

Kabilang sa kanyang mga suki ay ilang kilalang negosyante, pulitiko at pati na opisyal ng isang religious group.

Kadalasan ay mga babae ang ibinubugaw niya sa ilang mga negosyante at pulitiko pero lalaki naman ang kanyang iniaalok sa isang religious leader na “late bloomer” na bading.

Mula sa pagiging talent manager, extra sa mga pelikula at bugaw, ngayon ay mayroong dagdag na raket ang ating bida.

Isa siya sa mga kinuhang media influencer ng isang grupo ng mga pulitiko at ang kanyang pangunahing trabaho ay siraan ang kasalukuyang administrasyon.

Bagaman bistado na ang kanyang mga kakaibang raket ay taas-noo pa rin ang ating bida dahil ang lalo’t madalas niyang sabihin na trabaho lang naman ang lahat ng ito para sa dagdag na kita sa kanyang pamilya.

Ang bida sa ating kwento ngayong araw na kilalang bugaw ng mga laos na showbiz personality ay si Mister…wag na lang mag-clue!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending