‘Kung kailan walang work saka pa nag-ampon si Claudine’

By Cristy Fermin September 11,2019
share this

‘Kung kailan walang work saka pa nag-ampon si Claudine’

By Cristy Fermin September 11,2019
share this

MARAMING nagtataka-nagtatanong kung bakit madalas mag-ampon si Claudine Barretto. Sinusundan daw ba niya ang yapak ng Superstar na si Nora Aunor?

Ang una niyang inampon ay si Sabina, nakita nila ang bata sa tapat ng bahay ni Raymart Santiago sa Loyola Grand Villas, naka-stroller ito at may sulat pa ng kanyang ina nang iwan du’n ang sanggol.

Hanggang sa magkaroon na sila ng anak, si Santino, na binatilyo na ngayon. May mga namagitan sa matinding problema nina Raymart at Claudine, ang aktor ang nagpapaaral ngayon sa kanilang mga anak, regular din silang nakapagba-bonding.

Ang tanong ngayon ng mas nakararami ay kung bakit napapadalas ang pag-aampon ni Claudine. Isang batang babae ang una at lalaki naman itong huli. Opinyon ng mga ito, kung kailan naman walang trabaho ang aktres ay saka siya kuha nang kuha ng obligasyon, paano kaya niyang maibibigay ang mga pangangailangan ng kanyang mga inaalagaang sanggol?

Tanong din ng isang nakausap namin, “Idinadaan ba niya sa DSWD ang mga sanggol na inaampon niya? Siya ba ang nakalagay na foster parent ng mga bata?

“Kailangan sa name niya nakalagay ang mga bata kung pinayagan siya ng DSWD. Baka mamaya, e, wala naman pala sa pangalan niya ang mga batang inaampon niya bilang foster parent?”

Reaksiyon naman ng iba, ano raw ang ginagawa ng kapatid niyang si Gretchen Barretto, siyempre’y tutulong ang namamahingang aktres sa mga pangangailangan ng mga bagong ampon ng kanilang bunso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending