2 matapang na aktres type makatrabaho ni Jake Zyrus sa pelikula: Hinahangaan ko sila | Bandera

2 matapang na aktres type makatrabaho ni Jake Zyrus sa pelikula: Hinahangaan ko sila

Bandera |September 10,2019
facebook
share this

2 matapang na aktres type makatrabaho ni Jake Zyrus sa pelikula: Hinahangaan ko sila

Bandera - September 10, 2019 - 12:30 AM

JAKE ZYRUS

KUNG bibigyan ng chance, game si Jake Zyrus na sumabak muli sa akting.

“Hindi ko alam kung meron akong skill sa action and sa acting kasi sabi ko kung ako’y mag-a-acting ulit, gusto ko horror, e, gusto ko some sort of psychological film,” pahayag ni Jake sa nakaraang presscon para sa bago niyang album , ang “Jake Zyrus: Evolution.”

Huling napanood na umakting ang proud transman singer sa kanyang life story sa Maalaala Mo Kaya noong 2017. Nagkaroon din siya sa special appearance sa Hollywood TV musical series na Glee (2010-2011) noong kilala pa siya bilang si Charice.

Pahayag pa ni Jake, “Priority ko singing, pero if there is like an offer na okay naman.”

Nang matanong kung sino ang gusto niyang makatrabaho o makatambal sa pagbabalik niya sa pag-arte, tila nahihiya pa siyang sumagot.

“Hindi naman ako masyadong picky. Ako pa ba pi-picky? Susmaryosep! Hindi ko po alam, basta ang importante kasing tangkad ko,” tugon ni Jake sabay tawa.

Pero nang kulitin ng press na magbanggit ng pangalan ng aktres na nais niyang maka-work, “Nu’ng bata po ako, sobrang hinahangaan ko is Eula Valdes.”

“Kasi nu’ng bata pag nagagalit siya, umiiyak talaga ako. Takot na takot ako sa kanya, but at the same time, she has that feistiness and sexiness in her. Sobrang ina-admire ko ‘yon. At saka si Ma’am Cherie Gil. Mga ganoong aura ang gusto ko,” aniya.

Pero nang tanungin ng ilang reporter kung handa ba siya kay Cherie na kilala bilang kontrabida, natatawa niyang sinabi na kay Eula na lang daw muna.

“Baka hindi maging love story. Masampal na lang ako. Ha-hahaha! Pero seryoso talaga, sobrang bata pa lang ako, Eula Valdes talaga sobrang hinahangaan ko,” dugtong pa ng singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending