African Swine Fever nakapasok na ng PH; 14 sa 20 blood samples positibo sa ASF
NAKAPASOK na nga ang African Swine Fever (ASF) sa bansa matapos ihayag ng Department of Agriculture (DA) na 14 sa 20 blood samples mula sa mga nagkasakit na baboy, na kalaunan ay namatay sa mga lokal na piggery ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).
Ayon sa DA, ipinadala ang mga blood sample sa United Kingdom.
“We received late last week the laboratory test results coming from the United Kingdom on this test called polymerase chain reaction test. And 20 blood samples have been sent. And out of the 20 blood samples, 14 are positive with African Swine Fever,” sabi ni Agriculture Secretary William Dar.
Idinagdag ni Dar na umabot sa 7,416 babot ay pinatay, na karamihan ay nagmula sa Rizal at Bulacan. “At least 7,416 have been depopulated. When I say depopulated, kasama na ‘yun apektado at hindi apektado within the one kilometer radius,” dagdag ni Dar.
Idinagdag ni Dar na kabilang sa mga pinakaapektadong lugar ang Rizal, partikular ang Rodriguez at Antipolo at Guiguinto, Bulacan.
Nauna nang napaulat ang pagkamatay ng mga baboy sa ilang lugar sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.