May magic pa kaya ang tambalang nina Kim at Xian? | Bandera

May magic pa kaya ang tambalang nina Kim at Xian?

Ambet Nabus |September 09,2019
facebook
share this

May magic pa kaya ang tambalang nina Kim at Xian?

Ambet Nabus - September 09, 2019 - 01:06 AM
“It’s a good collaboration. Sayang ang malaking following,” ang sey umano ng nagpapatakbo ng career ni Xian Lim sa muli nitong pakikipagtambal kay Kim Chiu. Simula raw kasi nang sumubok na magkaroon ng individual projects o ipareha sa iba ang real-life sweethearts, aminado ang mga ito na lumaylay o naapektuhan ang mga career nila. Kaya naman sa pagbabalik tambalan nila sa isang teleserye, inaasahan na muling mabubuhay ang lakas ng tambalang KimXi. “Saka mas mature na sila at handang-handa na sa mas palabang project. Interesting silang mapanood sa mga roles na bagay sa kung sino sila at ano sila ngayon,” sey ng aming kausap. Well, mukhang hindi nga nagtagumpay ang paghihiwalay kina Kim at Xian kaya tama lang na bigyan sila ng reunion project. Let’s see kung may magic pa rin ang KimXi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending