Gay tv exec ginalit ni hunk actor kaya balik sa pa-ekstra-ekstra | Bandera

Gay tv exec ginalit ni hunk actor kaya balik sa pa-ekstra-ekstra

Ambet Nabus |September 09,2019
facebook
share this

Gay tv exec ginalit ni hunk actor kaya balik sa pa-ekstra-ekstra

Ambet Nabus - September 09, 2019 - 01:03 AM
KAHIT mapagalitan pa raw si Jane de Leon, pupuntahan at magpapaalam siya nang maayos sa kanyang original beauty clinic, ang Faces & Curves. Ginawa ito ng bagong Darna at matapang na hinarap ang mga naging “mommy” at “daddy” niyang sina Dr. Jay at Shiela Recasata. Aniya, may kinuha raw kasing bagong beauty clinic para sa kanya ang Star Magic. Ramdam namin ang lungkot sa mukha at boses ni Jane habang nagpapasalamat sa mga may-ari ng F&C. Sinamahan siya ng kanyang manager na si Tyrone Escalante at nanay na kapwa nagpasalamat din sa mga doktor na noon pa nagpapaganda at nagpapaseksi kay Jane. At least para sa amin, mas katanggap-tanggap na ang ganu’ng gesture kesa naman sa ilang celebrities diyan na basta na lang nang-ghosting – ‘yung bigla na lang nawalang parang bula. Yes, matapos silang iretoke at gawing mala-dyosa ang aura, only to be claimed by other clinics. Hay naku, mag-enumerate pa ba kami? Mga walang utang na loob! q q q Mukhang may bahid nga ng katotohanan ang tsikang naimbyerna ang isang top gay executive ng isang network kung kaya’t puro supporting roles na naman ang ginagawa ngayon ng isang hunk actor na nagbida na sa ilang serye at top rater pa. Simula noong isnabin at i-prioritize ni hunk actor ang kanyang “bagong lovelife” ay tila nakalimutan na nito ang obligasyon kay gay TV executive, na kahit simpleng pagdalo sa mga okasyon nito ay hindi magawang puntahan ng guy na madalas ay nasa abroad nga kasama ang bagong dyowa. Kaya nang mauubusan na ng datung ay nagparamdam ito kay TV executive na nais na niyang mag-work uli, pero puro support or “one of those” na lang ang ibinibigay sa kanya. “Mabuti nga binigyan pa siya ng trabaho. Yung iba diyan, tuluyan nang niligwak,” sey ng isang source. Well, bukod sa guwapo. sikat at hunk talaga ang aura, magaling ding umarte si aktor kaya’t imposible namang mawalan siya ng project. Yun nga lang, kung dati ay lagi siyang bida, ngayon, extra-extra na lang. Naku, kailangan siguro lambingin niya uli si gay TV executive para makabawi siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending