Balik-Japan ba? (2) | Bandera

Balik-Japan ba? (2)

Joseph Greenfield - July 25, 2013 - 01:34 PM

Sulat mula kay Joanna Purok 1, Camague, Iligan City
Problema:
1.      Dati na akong nag-Japan at nakapagtrabaho ako duon sa isang factory. Kaya lang napauwi ako kasi na-expired ang visa ko. Sa ngayon balak kong bumalik uli sa tulong ng aking bayaw na isang Hapon.
2.      Kaya lang po mag iisang taon na akong nag-aayos ng papeles hanggang ngayon di parin ako nakakakuha ng visa. Itatanong ko lang kung may pag-asa pa kaya akong makabalik ng Japan at muling magkaroon ng magandang trabaho duon?
Umaasa,
Joanna ng Iligan City   
Solusyon/Analysis:
Astrology:
      Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing kung ang bayaw mong Hapon na tumutulong sa iyo ay isinilang sa zodiac sign na Aries o kaya’y Leo, tiyak ang magaganap, matutulungan ka nya upang sa taon ding ito ng 2013 muli kang makabalik sa Japan.
Numerology:
Ang birth date mong 19 ay nagsasabing sa sandaling nakabalik ka uli sa Japan bilang pangalawang beses, tuloy-tuloy na uli, lagi ka ng makapagdya-Japan, hanggang sa tulad ng iyong ate makapag-aasawa ka na rin ng isang Hapon hanggang sa tuloy-tuloy ng yumaman.
Graphology:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte sa pangingibang bansa, habaan mo ang krokess ng letrang “t” sa iyong pirma. Sa mahabang krokes ng letrang “t” tuloy-tuloy ka ng magtatagumpay sa larangan ng salapi at magiging maligaya sa larangan ng pag-ibig.
Huling payo at paalala:
Joanna, ayon sa iyong kapalaran, ituloy mo lang ang pagnanais  na muling makabalik ng Japan, dahil sa taon ding ito ng 2013 tulad ng nasabi na, sa buwan ng Setyembre hanggang Nobiyembre sa edad mong 28 pataas, matutupad na ang matagal mo ng hinihintay at pinapangarap, sa ikalawang pagkakakataon mas produktibo at mas masaganang pagdya-Japan ang itatala sa iyong kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending