‘Nakakatakot ang pagtatambal nina Carlo at Maine’ | Bandera

‘Nakakatakot ang pagtatambal nina Carlo at Maine’

Cristy Fermin - September 08, 2019 - 12:55 AM

CARLO AQUINO AT MAINE MENDOZA

Hindi namin tinitingnan na pangmamaliit kina Carlo Aquino at Maine Mendoza ang opinyon ng mas nakararami na nakakatakot ang kalalabasan sa takilya ng ginagawa nilang pelikula.

Hindi ‘yun pangmemenos sa kanilang popularidad at talento, katotohanan ‘yun, dahil pareho lang naman silang wala pang napatutunayan sa box-office.

Wala pang pelikulang nagagawa si Maine na puwede niyang sabihing siya talaga ang naging dahilan ng tagumpay sa takilya. Sahog lang siya sa mga proyektong ‘yun, kasama lang siya ng mga artistang may napatunayan na sa box-office, kaya wala siyang puwedeng angkinin.

Magaling na aktor si Carlo Aquino, walang kuwestiyon sa kanyang talento, pero muli ay wala pa ring pelikulang nagagawa ang male personality na masasabi nitong kanya talaga.

Magkapareho lang sila ni Maine na pangsahog sa lutuin, hindi sila ang karne sa sinigang kumbaga, mga gulay-gulay lang sila na puwedeng meron at puwede ring wala ayon sa ating mga nakasanayan na.

Kaya tunay na nakakatakot ang proyektong pinagtatambalan nila, matinding effort sa promo ang kailangan para magkaroon sila ng kaway sa takilya, hindi ‘yun pangmamaliit sa kanilang kapasidad bilang mga artista.

May matinding pressure para kay Maine ang proyekto nila ni Carlo dahil napatunayan ni Alden Richards na kahit wala siya ay may career ang Pambansang Bae. Ang male personality na hinusgahan nu’n ng mismo nilang tagahanga na dadamputin sa kangkungan kapag wala na si Maine ay nakalusot!

Mas mataas na lebel ang naabot ni Alden, hindi kangkungan, na ewan kung sino ang hinihintay para mapunta du’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending