Si Sir nangingialam sa kung ano-anong kaso

By Den Macaranas September 06,2019
share this

Si Sir nangingialam sa kung ano-anong kaso

By Den Macaranas September 06,2019
share this

TIYAK na kukunot ang noo ng marami sa ating mga suking reader dahil sa ginagawang kalokohan ng isang opisyal ng pamahalaan.

Nitong mga nakalipas na araw ay sunud-sunod ang mga impormasyon na ibinahagi ng aking cricket sa mga activities nitong ating bida.

Si Mr. Government Official ay nakikialam sa kaso ng ilan sa kanyang mga kakilala na nakabinbin sa ilang mga hukuman.

Isang halilbawa rito ang ginawang pagtawag ni Sir sa isang Regional Trial Court Judge na may hawak sa kaso ng anak ng kanyang kaibigan.

Malapit na kasing lumabas ang desisyon ng hindi natin papangalanang hukom sa nasabing kaso kaya pilit na hinahabol ng kalihim ang magiging pasya nito.

Kung ano-ano raw ang ipinapangako ng ating bida kapalit ng pabor na hinihingi niya kay judge.

Isang hukom rin na dating nag-aambisyon na ma-promote bilang mahistrado ang sinubukang impluwensiyahan ni Sir pero hindi nagpatinag si judge sa mga alok ng opisyal.

Bago ito ay pumapel rin na power broker si Sir para sa ilang pwesto sa gobyerno pero mabuti na lang at hindi nagpauto sa kanya ang pangulo.

Kilalang may kalokohan ang abogadong bida sa ating tulad na lamang ng kanyang mga naging kliyente na kadalasan ay sabit sa mga madidilim na pangyayari.

Ang bida sa ating kwento na kilala rin sa kanyang kanyang pagiging palikero ay si Mr. S…as in Solvent.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending