Pagkain sa resto ng mga yaya ni Sharon nang naka-uniform binatikos ng mga netizens | Bandera

Pagkain sa resto ng mga yaya ni Sharon nang naka-uniform binatikos ng mga netizens

Ervin Santiago - September 05, 2019 - 04:32 PM

SHARON CUNETA

INUPAKAN ng mga bashers si Megastar Sharon Cuneta dahil sa litratong ipinost niya sa Instagram kung saan makikitang nakasuot ng uniform ang dalawang yaya habang kumakain sa isang restaurant.

Comment ng isang netizen, “Ang panget lang sa public na kasuot ng uniform ang mga yaya dapat walang uniform ang mga yaya.”  

May ilang nagsabi na sana raw ay pinagsuot na lang ng casual clothes ni Sharon ang mga yaya o kasambahay para hindi naman sila nagmukhang kawawa sa litrato.

Hindi ito pinalampas ni Sharon na nagsabing hindi dapat gawing sukatan ang pagpapasuot niya ng unform sa kanyang mga kasambahay sa kung paano ang pagtrato niya sa mga ito.

Sa katunayan, halos lahat ng mga nagwo-work sa kanilang pamilya ay taon na ang binibilang kaya tunay na pamilya na rin ang turing nila sa mga ito. Sinabi rin ni Mega na dito lang sa Pilipinas niya pinagsusuot ng uniform ang mga kasambahay nila.

Narito ang mahabang resbak ni Sharon sa bashers: “Maybe those who find it not nice that our yayas wear uniforms in public should meet them somehow and ask them how they are treated by me!

“I’m so sorry you think that way. I guess if I have to explain it to you pa, that means you won’t understand.

“When not in the Philippines – and I have taken one to four yayas abroad – and when I say abroad, I mean places like Hong Kong, Bangkok, Chiang Mai, and beach cities in Thailand, Ho Chi Minh in Vietnam, Tokyo, Osaka (including Universal Studios and Disneyland), Los Angeles, Las Vegas, San Francisco, New York, Boston, Washington D.C., Florida (including Disneyworld), Paris (including Disneyland), London, Milan, Rome, Florence, Vienna, Zurich, etc., etc. – they do not have to wear uniforms but whatever clothes they wear, and whatever shirts or jackets and souvenirs I buy for them, and the few hundred dollars EACH that I gift them with for their personal allowance to spend or to save – whatever they decide.

“And where they eat together with us the same food our family eats, free tickets to some of the best seats at Broadway shows in New York that even my management team envies, and where my Yayas are treated like family.

“Not a bad exchange for giving me and my family some decent representation in The Philippines, I think.”

Pagpapatuloy pa ni Mega, “At pati pala ang loyal driver ko of 30 plus years na si Nelson whom I fondly call ‘Dodong’ – kasama siya sa lahat ng places na sinabi ko sa U.S. at Europe but not anywhere in Asia except yata when I had a concert in HK?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Astig yan si ‘Dudung’ ko! Hahaha! Minsan pag mahal ang restaurant na kinakainan namin, niloloko ko sinasabi ko sa waiter sya ang magbabayad!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending