Bakit nga kaya hindi niligawan ni Gerald si Arci?
Nilinaw ni Arci Muñoz ang controversial video niya in the past kung saan pinaniniwalaang si Gerald Anderson ang kanyang pinatatamaan.
Sinabi kasi ni Arci na hindi siya magpapabiktima and people believed she was alluding to Gerald.
“Ay hindi po. Tropa ko siya. Napag-uusapan namin sa set kasi ‘yung best friend ni Ge si Jo Black, kasama po namin dito sa show.
“Sabi niya, alam mo tinanong ako doon sa viral video na hindi ako magpapabiktima. Tinanong nga niya si Ge kung bakit nga daw hindi ako pinormahan. Sabi niya (Ge), ‘Pare naman, si Mona naman kapag makakasalubong mo ‘what’s up, bro?’ Ganoon na daw ako kaagad. ‘Paano ko naman aanuhin ‘yun, friendzone.’ Ganoon ako talaga sa lahat ng nakakasama ko sa show,” paliwanag ni Arci sa presscon ng Pamilya Ko.
“Hindi po kami nag-uusap. Ayoko pong makialam diyan. Bigla lang talaga lumabas ‘yung lumang video na ‘yun pero hindi po talaga ako involved. Wala po talaga akong kinalaman diyan,” dagdag pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.