ARCHERS lusot sa FALCONS; MAROONS taob sa TIGERS | Bandera

ARCHERS lusot sa FALCONS; MAROONS taob sa TIGERS

Mike Lee - July 25, 2013 - 03:00 AM

Mga Laro sa Sabado
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UE vs UP
4 p.m. Ateneo vs UST
Team Standings: FEU (6-0); UST (4-2); UE
(3-3); NU (3-3); La Salle (3-3); Adamson (3-3); Ateneo (2-4); UP (0-6)

NAKITAAN ng ibayong husay sa pagbuslo sa free throw line ang De La Salle University Green Archers para manaig sa kinapos na Adamson University Soaring Falcons, 70-67, sa 76th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

May 18-of-22 field goal shooting ang Green Archers sa 15-foot line sa laro at 5-of-6 ang pinagtulungan nina Jeron Teng at Norbert Torres sa huling 41.9 segundo para manalo ang La Salle kahit muling nawala ang double-digit advantage na hawak sa kaagahan ng huling yugto.

“We’ve been committing errors that we don’t do in the first three quarters. We need to work on our endgame,” wika ni Archers coach Juno Sauler na winakasan din ang dalawang dikit na pagkatalo sa kinuhang 3-3 baraha.

Kampante nang nakaangat ang Archers sa 15 puntos, 65-50, sa huling 5:25 ng labanan nang hindi na sila nakabuslo sa sumunod na mga tagpo.

Kinapitalisa agad ito ng Falcons at ang dalawang free throws ni Gian Abrigo sa foul ni Jason Perkins ang nagtabla sa laro sa 65-all, sa huling 1:20 ng labanan.

Ngunit si Abrigo rin ang nagpatalo sa tropa ni Adamson coach Leo Austria dahil dalawang fouls ang ibinigay niya kina Teng at Torres na pumagitna sa kanyang error.

Si Teng ay hindi sumablay sa apat na buslo sa 15-foot line tungo sa 12 puntos bukod pa sa walong rebounds at limang assists habang sina Perkins at Torres ay naghati sa 26 puntos.

Si Almond Vosotros ay nagdagdag pa ng 11 puntos at ang Archers ay kasalo ngayon ng Falcons at mga pahingang koponan na University of the East at National University sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto.

Bumangon agad ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa pagkatalo sa Far Eastern University Tamaraws nitong nakaraang Linggo sa pamamagitan ng 79-69 panalo sa University of the Philippines Fighting Maroons sa unang laro.

Sina Aljon Mariano, Kevin Ferrer, Karim Abdul at Clark Bautista ang mga kumamada uli at nagsanib sa 60 puntos pero sariwa pa sila sa huling yugto dahil binigyan ni UST coach Alfredo Jarencio ng playing time ang mga bench players.

“Ako ang may kasalanan kung bakit kami natalo sa FEU. Mababa ang rotation ko at napagod sila. Ngayon binigyan ko ng playing time ang mga bench players para makita rin kung sino ang puwedeng asahan sa susunod na laro,” pahayag ni Jarencio na nanatiling nasa ikalawang puwesto sa 4-2 baraha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga panalo ng Tigers at Green Archers ay magagamit nila bilang momentum sa pagharap sa mas mabigat na laro na Ateneo de Manila University at National University sa kanilang huling asignatura sa first round elimination.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending