Paano sinagot ni KC ang mga bashers na tumawag sa kanya ng clown, crispy pata at retokada?
TINAWAG na mukhang “clown”, “crispy pata” at produkto ng “plastic surgery” si KC Concepcion ng kanyang mga haters.
Pero tulad ng ginagawa niya lagi sa kanyang mga bashers sa social media, sinasagot niya ito with class at ng may kasosyalan.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang TV host-actress ng kanyang litrato na todo-make-up. Maraming pumuri sa dalaga at nagsabing mas lalo pa siyang gumanda ngayon.
Sey ng ilan niyang followers, simple lang ang beauty ni KC pero very charming. Pero may mga nagkomento naman na mas maganda siya noon.
Sagot naman sa kanila ni KC, pwede naman daw ang pagbabago paminsan-minsan. Pero may isang basher na nagsabing mukha na raw siyang clown dahil sa kapal ng kanyang make-up.
Reply sa kanya ng anak ni Megastar Sharon Cuneta, “Oh! Ang ziwiiiiit mo.”
Kamakailan naman, nag-post ang aktres ng kanyang litrato na kuha sa New York. Naka-orange dress siya with matching mahabang slit kaya kitang-kita ang kanyang hita.
Binasag ng isang netizen ang post ni KC at nag-comment ng “Crispy pata,” na sinagot lang ni KC ng “LOL!”
Samantala, isang hater din ang nang-okray kay KC at nagsabing bakit pa raw siya nagparetoke, e, ang ganda-ganda na niya.
Hirit ng netizen, “Did you do something to your face? surgery?? Chin and cheek reconstruction? Halata eh.. ang ganda mo na sana noon.”
Ang sagot lang sa kanya ni KC, “Oh wow! no but I’ll take that as a complement THANK YOU!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.