True ba, Angel, Neil may sariling bahay na, live in na? | Bandera

True ba, Angel, Neil may sariling bahay na, live in na?

Julie Bonifacio - September 02, 2019 - 12:30 AM

IDINAAN sa promo ng pelikula ang sagot nina Inigo Pascual at Maris Racal ang tungkol sa pag-attend nila ng magkasama sa nalalapit na Star Magic Ball.

For the past two years kasi ay silang dalawa ang magka-date sa event. But now, mukhang magkakanya-kanya muna ng partners o magso-solo muna ang MarNigo loveteam sa star-studded event ng Kapamilya network.

Nu’ng tinanong sila sa mediacon ng first movie nila together, ang “I’m Ellenya L” na isa sa official entries sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino about this ay hindi pa sila makapagbigay ng diretsong sagot.

“Abangan si Ellenya at si Peng sa (Star Magic) Ball,” pahayag ni Inigo.

Say naman ni Maris, “Pag-iisipan ni Ellenya kung magkasama tayo.”

Peng ang pangalan ng karakter ni Inigo sa movie at Ellenya naman si Maris. Ambisyosang babae sa movie ang karakter ni Maris na gustong maging sikat na vlogger.

Kasama rin sa “I’m Ellenya L” sina Patrick Sugui at Gio Alvarez sa direksyon ni Boy2 Quizon.

Ang “I’m Ellenay L” ay mula sa Spring Films, Cobalt Entertainment at Blacksheep. Present ang isa sa producers ng “I’m Ellenya L” sa mediacon na si Neil Arce.

Si Neil ang fiance ng aktres na si Angel Locsin. Hindi siya nakaligtas sa media nu’ng tanungin siya tungkol sa kasal nila ni Angel.

“I will not divulge any information na papagalitan ako pag-uwi ko sa bahay. Thank you very much,” tugon ni Neil.

For a moment, napaisip kami sa sinabi ni Neil tungkol sa pagagalitan siya pag-uwi niya sa bahay.

Kaninong bahay kaya ang tinutukoy ni Neil? Bahay ba niya o kay Angel?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

O, baka naman may bahay na sina Neil at Angel? At magkasama na sila doon? So, kung may sarili na silang house, ibig bang sabihin nagli-live in na rin sila?

hil lumaki akong kasama siya,” ang pa-tribute pang paliwanag ni Boy2 sa kanyang Lolo Dolphy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending