6 na pasabog ng GMA 7 babandera ngayong Setyembre | Bandera

6 na pasabog ng GMA 7 babandera ngayong Setyembre

Ervin Santiago - September 02, 2019 - 12:10 AM


IBINANDERA na ng GMA Network ang exciting and all-new line-up ng mga aabangang primetime shows simula ngayong September na maghahatid sa inyo ng drama, action at kilig gabi-gabi – to the next level!

Ngayong darating na Sept. 9, magsisimula na ang action-suspense-drama ng GMA 7 na Beautiful Justice.

Dito magsasanib-pwersa ang multi-talented actress na si Bea Binene bilang si Kitkat, Global Endorser Gabbi Garcia as Brie at ang 32nd PMPC Star Awards for TV Best Drama Actress na si Yasmien Kurdi as Alice. Pagsasama-samahin sila ng isang madugong trahedya para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Dito makakasama nila ang versatile actor and Kapuso hunk na si Derrick Monasterio at ang international mo-del-turned-actor na si Gil Cuerva na gaganap naman bilang mga Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents na sina Lance at Vin.

Sa Sept. 16 naman, mu-ling mapapanood sa primetime ang Kapuso Drama Prince na si Alden Richards who will once again showcase his acting calibre as he takes on the role of Sep — isang bulag na fruit vendor sa Divisoria na may kakayahang makita ang past at ang future.

Pinamagatang The Gift, sesentro ang kuwento nito sa pag-asa, pagpapakatotoo at genuine love. Directed by LA Madridejos, makakasama rin ni Alden dito sina Elizabeth Oropesa, Mikee Quintos, Jo Berry, Rochelle Pangilinan, Betong Sumaya, Martin del Rosario, Thia Thomalla, Ysabel Ortega, Tetay, at si Jean Garcia.

Samantala, for their first-ever primetime project naman, muling magtatambal sina Ken Chan at Rita Daniela para sa One of the Baes, isang millennial fairytale na magpapakita sa manonood kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng true love.

Produced by GMA Public Affairs, it will showcase the ups and downs of our Filipino seafarers through the story of Jowalyn (Rita) and Grant (Ken). Si Grant ay isang mayaman at maginoong binata na kilalang environmental vlogger habang si Jowalyn naman ay isang matapang na dalaga na nangangarap ma-ging kapitan ng barko.

Completing the Kapuso primetime slate is the top-ra-ting Korean hit drama Mr. Sunshine which centers on a young boy who is born into slavery but escapes to the United States and returns to Joseon later as a United States Marine Corps officer.

Magsisimula na ito nga-yong Sept. 2, starring Hollywood actor Lee Byung Hun as Eugene Choi.

Makikilala niya ang aristocrat’s daughter na si Go Ae-sin, played by Kim Tae-ri na siyang bibihag sa kanyang puso.

Dito, mabubuking niya ang plano ng ilang foreign forces para sakupin ang Korea. To save his nation, he becomes an instrument in fighting for freedom, alongside the love of his life.

At siyempre, ngayong Lunes na rin mapapanood ang bagong pampa-good vibes n’yo tuwing umaga – ang much-loved award-winning romance anthology na Wagas. Araw-araw na itong mapapanood sa paglipat nito sa GMA mula sa News TV bago mag-Eat Bulaga.

Wagas will once again tug at the hearts of Kapuso viewers as it now features stories that will run for one month. For its pilot episode titled Throwback Pag-Ibig, bibida Sunshine Dizon at Mike Tan bilang estranged couple na mapipilitang magbati at mu-ling magsama para sa kanilang anak.

Last but definitely not the least, GMA Network’s musical competition The Clash opens its doors once again to all ta-lented Filipinos who want to become the country’s next singing sensation.

Simula sa Sept. 21, muling aariba tuwing Saturday at Sunday ang The Clash sa GMA. Sundan at saksihan ang journey ng Top 64 contenders as they clash to fulfill their dreams.

Hosted by the newest Clash Masters Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose and Total Heartthrob Rayver Cruz, muling makakasama sa season 2 ng The Clash bilang judges sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas. Ken Chan and Rita Daniela are also set to add color to the show as The Clash Journey hosts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yan ang mga inihandang pasabog ng GMA 7 sa milyun-milyong Kapuso viewers ngayong Setyembre kaya siguradong panalung-panalo na naman ang viewing habit n’yo mula Lunes hanggang Linggo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending