Pilipinas mas mapapalaban vs Serbia
MATAPOS na gulpihin ng Italy noong Sabado ng gabi, mas mapapalaban ang Team Pilipinas kontra Serbia ngayong Lunes ng gabi sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa 2019 FIBA World Cup.
“We look forward to playing Serbia,” sabi ni Team Pilipinas head coach Joseller “Yeng” Guiao bago ang kanilang laro kontra sa fourth-ranked team sa mundo na pamumunuan ng NBA All-Star at All-NBA First Teamer Nikola Jokic. “We tried to be positive, be of encouragement to each other. We cannot allow ourselves to be defined by just one bad game.”
Nakalasap ng masaklap na 108-62 pagkatalo ang mga Pinoy cagers sa kamay ng Italy sa kanilang unang laro noong Sabado.
“There’s still games left, we need to pick up the pieces and put everything together to play a better game against Serbia,” sabi pa ni Guiao.
Matapos na makabalik sa torneo sa Seville, Spain limang taon na ang nakalipas, ang mga Pinoy ay hindi nakatikim ng masaklap na pagkatalo bago ilampaso ng mga Italian.
At ang masakit na 46 puntos na pagkatalo ng Pilipinas ay lalong nagpahirap sa tsansa nitong makalagpas sa Group D play kung saan habol nila na manalo ng dalawang laro.
Makakaharap ng mga Filipino cagers ang mga Serbs ganap na alas-7:30 ng gabi sa Foshan International Sports and Cultural Arena ngayong Lunes ng gabi.
“Against Serbia, we just want to play with our usual heart,” dagdag pa ni Guiao. “We were shell-shocked in our first game. The level of game (of the Italians) was very high, and if you can’t keep up with that, you’re going to lag behind. Especially against Serbia, that’s going to be the case.”
Ipinakita naman ng Serbia ang kahandaan na magdomina sa torneo matapos na durugin ang Angola, 105-59, sa kanilang unang laro noong Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.