RYZZA MAE na-shock sa regalong pink car ni POPS | Bandera

RYZZA MAE na-shock sa regalong pink car ni POPS

Ervin Santiago - July 25, 2013 - 03:00 AM

WALANG duda at wala na si-gurong kokontra kung si Ryzza Mae Dizon na ang ituring na bagong child wonder sa mundo ng telebisyon at very soon, pati na rin siguro sa pelikula.

Mataas ang rating ng kanyang morning show sa GMA at talaga namang hit na hit ang  segment niya sa Eat Bulaga.
In fairness, halos lahat ng mga listeners namin sa “Kliq Showbiz”, ang radio show namin sa DZIQ Radyo Inquirer 990 AM, ay nanonood ng The Ryzza Mae Show, tuwang-tuwa sila sa Aling Maliit at nag-eenjoy daw sila sa panonood tuwing umaga sa pakikipagkulitan ng bagets sa kanyang mga bigating guests.

Nito ngang nakaraang July 22, nag-guest ang Concert Queen na si Pops Fernandez at super nag-enjoy daw ang singer-actress-producer sa guesting niya sa programa ni Ryzza Mae.

At dahil sa sobrang tuwa ni Pops kay Aling Maliit, nag-promise siya na bibigyan niya ito ng malaking regalo. Kahapon, nag-post ang bagets ng tatlong Instagram videos tungkol sa iniregalo sa kanya ni Pipay.

Dumating na kasi sa studio ng Eat Bulaga ang malaking regalo sa kanya ng Concert Queen. Walang mapaglagyan ng kasiyahan si Ryzza Mae na nakita ang regalo  – isa itong laruang pink na kotse na pwede niya talagang sakyan at paandarin.

At sa pamamagitan ng ng Instavideo ay , kaya nagpasalamat siya kay Pops, “Thank you po tita Pops sa binigay niyong car sa akin. Ang ganda po, nagustuhan ko po, pink pa, tapos may seat belt pa.

Tapos po ang dami pong pindutan. Thank you po talaga!” Bongga, di ba? Baka sa susunod, totoong kotse na ang iregalo sa kanya ng sinumang celebrity na matutuwa sa pagge-guest nila sa The Ryzza Mae Show.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending