Anak ni Pacman gagawa ng pelikula sa Hollywood | Bandera

Anak ni Pacman gagawa ng pelikula sa Hollywood

Ambet Nabus |September 01,2019
facebook
share this

Anak ni Pacman gagawa ng pelikula sa Hollywood

Ambet Nabus - September 01, 2019 - 12:22 AM

O, DI ba? Ang bongga ng anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel dahil malaki raw ang posibilidad na maging Hollywood star ang binata.

Balitang may offer si Jimuel para gumawa ng pelikula sa Hollywood at ngayon pa lang ay excited na ang pamilya Pacquiao para sa bagong hamon na haharapin ng bagets.

Si Pacman ang noon pa ma’y kinakaibigan at hinahangaan ng ilang kilalang Hollywood celebrities gaya nina Keanu Reeves, Mark Wahlberg, Sylvester Stallone at marami pang iba, pero ayon sa business manager nitong si Arnold Vegafria, ang anak ng senador ang nakatanggap ng offer mula sa isang international producer. Ang shoot daw ay magaganap sa Manila, Japan at US.

Nakabakasyon sa school ang anak ni Pacman at busy ito sa training niya sa boxing. Kaya let’s see kung tatanggapin ba ito ni Jimuel. At kapag nangyari ito, tatalbugan niya ang lahat ng mga sikat na Filipino artists na matagal nang nangangarap maka-penetrate sa Hollywood pero hanggang ngayon ay nganga pa rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending